Share

CHAPTER 164

Auteur: GennWrites
last update Date de publication: 2026-05-16 19:16:01

SAMANTALA, sa Pilipins, agad ding nakarating kay Amara ang balitang nagkamalay na si Adrian. Tahimik itong nakaupo sa loob ng madilim na living room ng penthouse habang hawak ang baso ng red wine. Ngunit matapos marinig ang report mula sa tauhan nito ay bahagyang nanigas ang ekspresyon niya.

Hindi siya makapaniwala. Napakahigpit ng plano. Sigurado siyang walang paraan para makaligtas pa si Adrian matapos ang nangyari. Kaya paano ito nagising nang ganoon kadali?

Mabilis niyang dinampot ang isa p
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 172

    MARIING napapikit si Yumi habang mahigpit ang hawak sa cellphone.“Hindi ka talaga marunong makinig,” mababa nitong saad habang pinipigilan ang inis at pag-aalala sa boses. “Nandiyan sina Lola Chandria, Mang Lito, at private nurses para bantayan ka. Hindi mo kailangang gumala.”Mahina namang natawa si Adrian mula sa kabilang linya.“They’re too noisy,” kalmado nitong sagot. “At gusto kitang makasama nang tahimik.”Bahagyang natigilan si Yumi matapos marinig iyon.“You really are…” mahina nitong bulong habang napapailing.Kanina lamang ay galit at sermon ang gusto niyang ibigay sa lalaki. Ngunit matapos marinig ang simpleng dahilan nito, unti-unting nawala ang inis niya.Ano pa bang magagawa niya kung ganoon ang sinabi ni Adrian?Tahimik siyang napabuntong-hininga bago muling nagsalita.“Anong sabi ng doctor?” diretsahan nitong tanong. “Nagpalit ba ulit ng dressing today? Uminom ka ba ng gamot?”“Yes,” maikling sagot ni Adrian. “Axel handled everything.”Bahagyang gumaan ang pakiramdam

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 171

    PAGSAPIT ng gabi ay tuluyan nang nagdesisyon si Bianca na umalis muna sa Monteverde residence.Matapos patulugin si Mico ay dali-dali nitong inayos ang ilang personal na gamit at mahahalagang dokumento. Wala itong planong manatili pa roon matapos ang naging pag-uusap nila ni Clyde.Tahimik lamang ang buong mansion habang isa-isang inilalagay ni Bianca ang mga gamit sa maleta. Hindi niya dinala ang marami nilang gamit. Ang importante lamang sa kaniya ay makaalis sila ni Mico sa gabing iyon.Samantala, matapos makapagpahinga sandali si Clyde sa study ay saka lamang nito napansing wala na sa kwarto si Bianca. Bahagyang nagsalubong ang kilay nito bago mabilis na lumabas ng silid.“Bianca?”Walang sumagot.Pagpasok nito sa master bedroom ay agad nitong nakita ang bukas na cabinet at ilang bakanteng drawer. Doon lamang nito napagtantong umalis na si Bianca kasama si Mico. Agad nitong dinampot ang cellphone at sinubukang tawagan ang babae ngunit naka-off na iyon.Tahimik na napamura si Clyde

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 170

    TAHIMIK na nakinig si Bianca habang muling binabanggit ni Clyde ang tungkol sa camp sa Benguet.Noong mga panahong iyon, matapos makabalik si Clyde sa Maynila, hindi nito makalimutan ang batang babaeng tumulong dito sa bundok. Hindi man nito nakita nang malinaw ang mukha ng bata dahil sa ulan at dilim, may isang detalye itong hindi nakalimutan. May maliit na pulang birthmark sa likod ng tenga ng babaeng sumagip dito.Ayon mismo kay Clyde noon, iyon daw ang dahilan kung bakit nanatili siyang gising habang halos mawalan na siya ng malay sa lamig ng bundok. Pakiramdam niya raw ay may taong pilit siyang hinihila pabalik.At matapos no’n, halos obsessively niyang hinanap ang batang iyon. Nagpagawa pa si Clyde noon ng ilang private inquiries gamit ang connections ng pamilya nila. Kinausap din nito ang ilan sa organizers ng camp at mga participants. Pero walang nangyari.Confidential ang records ng minors kaya walang nakuhang impormasyon ang pamilya Monteverde. At doon nagsimula ang lahat. D

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 169

    PARANG biglang nawalan ng lakas si Bianca matapos marinig ang malamig na tono ni Clyde.Unti-unting namuo ang mga luha sa mga mata nito habang nanginginig ang labi. Gusto niyang magsalita. Gusto niyang magalit. Ngunit sa sobrang bigat ng nararamdaman niya, kahit isang salita ay halos hindi niya mailabas.Tahimik lamang siyang nakatitig kay Clyde habang patuloy na pumapatak ang luha sa pisngi niya.Samantala, napabuntong-hininga si Clyde bago marahang lumapit sa side table ng study. Kumuha ito ng tissue box saka iniabot iyon kay Bianca.“Punasan mo ’yan,” mababa nitong saad.Bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Clyde kumpara kanina, at agad iyong napansin ni Bianca. Para sa kaniya, iyon na lamang ang natitirang pag-asa kaya mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Clyde.“Please…” paos nitong bulong habang umiiyak. “Ayokong makipaghiwalay sa ’yo. Mahal kita, Clyde.”Tahimik lamang na napapikit si Clyde.“Alam mo naman…” pagpapatuloy ni Bianca habang mas humihigpit ang hawak sa kamay nito,

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 168

    MAG-AALAS singko na ng madaling-araw nang tuluyang paandarin ni Clyde ang sasakyan palabas ng hospital parking lot.Malamig ang hangin sa labas habang halos wala nang dumaraang kotse sa EDSA. Tahimik lamang siyang nagmamaneho pauwi sa Monteverde mansion habang mabigat pa rin ang isip.Pagdating niya sa mansion ay nagsisimula pa lamang magising ang ilang kasambahay. May ilan nang naglilinis sa grand hallway habang ang iba nama’y abala pa lang sa paghahanda ng almusal sa kusina.Pagkapasok pa lamang ni Clyde ay agad siyang sinalubong ng isa sa mga household staff.“Sir Clyde, ipaghahanda po ba kayo ng breakfast?” maingat nitong tanong.Bahagya lamang umiling si Clyde.“No need.”Pagkasabi no’n ay dire-diretso na siyang naglakad paakyat ng hagdan. Pagod na pagod ang itsura nito. Halatang magdamag itong walang tulog. Tahimik ang buong second floor ng mansion. Malamang ay mahimbing pa ring natutulog sina Bianca at Mico sa kani-kanilang silid.Ngunit bago pa man siya tuluyang makarating sa

  • The Fake Wife's Perfect Revenge   CHAPTER 167

    MAKALIPAS ang ilang minuto ay tuluyan ding nakatulog si Chairman Ricardo dahil sa epekto ng gamot. Tahimik na nanatili si Clyde sa loob ng VIP suite habang nakatanaw sa ama. Samantala, si Helena naman ay nanatiling gising sa gilid ng hospital bed. Pagod na pagod na ang mukha nito. Halatang ilang araw nang walang maayos na tulog dahil sa sunod-sunod na problemang bumagsak sa pamilya nila. Makalipas ang ilang sandali ay marahan nitong sinamahan si Clyde palabas ng suite upang hindi magising ang chairman. Bahagyang napahawak si Helena sa dibdib bago seryosong tumingin sa anak. “Clyde…” mabigat nitong saad. “Tell me honestly. Okay pa ba talaga ang kumpanya?” Bahagyang natigilan si Clyde, pero hindi siya agad nakasagot. At sapat na iyon para maintindihan ni Helena ang lahat. Unti-unting namutla ang mukha ng matanda habang mariing napapikit. Ano pa nga ba ang magagawa nila ngayon? Matanda na sila ni Chairman Ricardo para magsimula muli mula sa wala. At kahit bata pa si Clyde, wasak

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status