ログイン“SYEMPRE hindi," mabilis na tugon ng assistant ni Yumi. "Basta mag-utos lang po kayo. Dahil kayo lang naman ang kaisa-isang anak at sole heiress ng Zamora Corporation."Naintindihan ng assistant ang gustong mangyari ng kanyang lady boss, kaya sadyang inilakas at idiniin niya ang bawat salita.Napasinghap si Daniel sa kanyang narinig. Napahawak siya sa sariling leeg habang nanlalamig ang buong katawan. Si Yumi... ang kaisa-isang tagapagmana ng pamilya Zamora na humahawak ng bilyon-bilyong ari-arian?!Halos lumuwa naman ang mga mata ni Clarisse. Nang magproseso sa utak niya ang mga salitang iyon, agad na pumutok ang matinding inggit at kawalan ng paniniwala sa kanyang dibdib. Impossible!Hinding-hindi 'yan mangyayari!Si Yumi ay isang ulila lang na galing sa ampunan, paanong mangyayaring siya ang tagapagmana ng isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Malamang ay gawa-gawa lang ang lahat! Sinusubukan lang silang takutin gamit ang mga binayarang tauhan!Gusto niyang sumigaw at makipagtalo
BAHAGYANG narinig ni Yumi na may tumatawag sa kanyang pangalan, at pamilyar ang boses na iyon. Pag-angat ng kanyang tingin, nakita niya si Clarisse sa gitna ng maraming tao.Nang marinig ng kanyang personal assistant at ng mga bodyguards na may tumawag sa buong pangalan ng kanilang lady boss, nagulat ang mga ito.Mabilis na nagtanong ang assistant, "Miss Yumi, kakilala niyo po ba?"Isang malamig at bahagyang pahiwatig ng pagkagulat ang gumapang sa mga mata ni Yumi, bago siya nagtaas ng mukha upang direktang salubungin ang tingin ni Clarisse.Sa sandaling iyon, mabilis na nakahabol si Daniel at hinawakan sa braso si Clarisse. "Clarisse, umayos ka nga! Hindi 'to lugar para mag-amok ka—""Tingnan mong mabuti! Si Yumi talaga 'yan!" Pinutol ni Clarisse ang sinasabi ni Daniel. Sa puntong iyon, tuluyang natigilan ang lalaki.Ang babaeng nakatayo sa kanilang harapan ay si Yumi nga.Taglay pa rin nito ang dating malamig at kaakit-akit na kagandahan, na litaw na litaw kahit mula sa malayo.Ngun
NAGSISISI na si Daniel na isinama pa niya si Clarisse. Walang pakundangan ang pagiging walang-isip ni Clarisse. Sa kasalukuyang gipit na sitwasyon ng pamilya Monteverde, ang basta-basta na lang pag-aabot ng business card sa kung sino-sino ay panawagan lang ng kapahakan at katatawanan."Nakahati sa iba't ibang zone ang seating arrangement sa loob, wala na akong ibang nagawa," dismayadong depensa ni Clarisse habang nakalabi.Subalit hindi siya nawawalan ng pag-asa. Kung hindi niya kaya, nariyan pa ang kanyang ina at lola.Si Helena Monteverde ay dating kilalang socialite sa alta sosyedad. Bagama't ilang taon na itong nagpapaka-ubaya sa bahay at nagre-reyna sa mahjong table, ang mga asawa ng mga kaibigan nito ay mayayamang negosyante. Kahit iniwasan ng marami ang pamilya Monteverde matapos ang eskandalo, may kaunting respeto pa ring natitira para rito.Mas lalo na si Lola Chandria.Nung itinataguyod pa ng pumanaw na si Chairman Ricardo Monteverde ang kanilang imperyo, napakarami nitong n
“MISS LEE."Napatingala si Bianca nang marinig ang tawag. Bahagyang ngumiti si Art Mendez habang inilalapit sa kanya ang isang envelope at ilang dokumento."May ipapagawa sana ako.""Yes, sir."Marahan nitong itinulak ang invitation sa ibabaw ng mesa."Bukas ng hapon, lilipad tayo pabalik ng Metro Manila."Bahagyang natigilan si Bianca. "Tomorrow?"Agad niyang binuksan ang invitation. Isa pala itong imbitasyon para sa Philippine Future Industries and Global Investment Summit. Mabilis niyang sinilip ang listahan ng mga dadalo. Naroon ang ilan sa pinakamalalaking investment firms sa Asya. May mga international venture capital groups. Mga pharmaceutical companies, Energy corporations. At ilan sa pinakamalalaking business conglomerates sa Pilipinas.Ngunit isang pangalan ang agad na pumukaw sa kanyang atensyon. Ang Zamora Group.Tahimik siyang napatitig roon nang ilang segundo. Noon pa man ay balitang-balita na muntik nang makipag-partner ang Monteverde Group sa Zamora Group. Ngunit hindi
NANG marinig ni Clarisse ang sinabi ni Daniel ay bahagyang humupa ang galit na bumabalot sa kanya.Alam niyang tama ang asawa. Ang paghahanap kay Yumi ay hindi makakatulong sa pagbangon ng kanilang pamilya. Magbibigay lamang iyon ng pansamantalang ginhawa sa galit na nararamdaman niya. Kung nais nilang makabangon muli, kailangan nilang unahin ang mas mahahalagang bagay.---TAHIMIK silang umuwi. Ngunit pagkapasok pa lamang sa bahay ay agad na inilabas ni Clarisse ang kanyang cellphone. Hindi man niya makontak si Yumi, may isa pa siyang taong kailangang kausapin.Si Bianca Lee.Agad niyang pinindot ang numero nito. Hindi ito sumagot kaya tumawag siyang muli, at muli. Paulit-ulit. Hanggang sa wakas ay sinagot din ng kabilang linya."Clarisse," malamig na boses ni Bianca ang agad niyang narinig. "Sana mahalaga ang dahilan kung bakit paulit-ulit kang tumatawag."Napangisi naman si Clarisse. "May mahalaga talaga. Pero kahit wala, dapat sinasagot mo pa rin ang tawag ko. Tandaan mo, asawa ka
SAMANTALA, matapos ang nangyari sa ospital, sabay na umalis sina Clarisse at Daniel.Tahimik ang biyahe. Walang nagsasalita. Pareho silang may kani-kaniyang iniisip.Mula nang magsimulang bumagsak ang Monteverde Group, sunod-sunod na ring nagbago ang buhay ng kanilang pamilya..At isa sa pinakamalaking naapektuhan ay ang pagsasama nina Clarisse at Daniel.Noong una, pilit pang inaayos ni Clarisse ang kanilang relasyon. Ngunit nang makita niyang unti-unti nang nagbabago ang pakikitungo ng asawa matapos humina ang impluwensiya ng kanilang pamilya, tuluyan na rin siyang natauhan.Hindi na siya ang dating Clarisse na handang magtiis para lamang mapanatili ang kanilang kasal..Tahimik niyang inayos ang lahat ng personal niyang ari-arian. Lahat ng investment na naipundar niya bago pa ang kasal ay nailipat na sa sarili niyang pangalan.Pati ang condominium, mga lupa, at iba pang assets na minana niya ay matagal nang may legal documents. Hindi maaaring angkinin ng kahit sino ang mga iyon. Dahil
MATAPOS maihatid ang karamihan sa mga bisita, napansin naman ni Marco ang isang pamilyar na pigura sa isang sulok ng venue. Si Mikaela. Mag-isa at tahimik na nakaupo, parang ayaw pang umalis. Hindi ito sumabay sa pamilya. Hindi rin siya nakihalubilo sa iba na para bang pinipilit nitong sa lugar upa
PARANG tumigil ang mundo ni Yumi sa narinig mula sa binata, at hindi agad siya nakasagot. Tanging ang malakas na tibok ng puso niya ang malinaw niyang naririnig. Ilang segundo pa ang lumipas bago muling nagsalita si Adrian, mas kalmado na ang tono.“Kung hindi ka ready, okay lang,” dagdag nito. “Pw
HINDI na nagsalita si Adrian, at bahagya lamang siyang tumango na para bang mayroon silang isang lihim na kasunduan.Paglabas nila ng restaurant, lumapit kaagad kay Adrian ang assistant nitong si Axel at may ibinulong. Nahalata naman kaagad niyang tila may importante pang lakad ang lalaki kaya hind
NANG araw ding iyon, maagang nagpunta si Yumi sa opisina ng Monteverde Group, at dumiretso agad siya sa opisina ni Clyde. Ito ang perpektong pagkakataon. Wala ang lalaki. Maari niyang hanapin ang mga dokumentong kailangan niya. Ngunit kahit halughugin niya ang buong opisina, ay wala siyang nahanap.



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



