PAGPASOK ni Yumi sa silid, agad siyang napansin ni Lola Beatriz, at tila gumaan ang pakiramdam nito sa kanyang pagdating.“Yumi, apo, nandito ka na,” malambing nitong bati habang marahang hinahawakan ang kanyang kamay. “Mas lalo kang gumanda.”Ngunit sa sandaling iyon, may kakaibang pakiramdam na hindi maipaliwanag si Yumi. Pakiramdam niya ay nagkaroon ng distansya sa pagitan nila. Ibang-iba ito noong magkasama pa sila ni Clyde, mas magiliw ito pero ngayon ay bigla itong nagbago. Subalit gayunpaman, hindi pa rin nawawala ang concern niya para sa matanda lalo't malaki ang utang na loob niya rito.“Lola, may dala po akong konting pasalubong,” mahinahon niyang sabi. “Magpahinga po kayo at iwasan ang stress.”Ngunit bago pa makasagot ang matanda, biglang sumingit si Clarisse. Nakapasok na pala ito sa loob, kasunod si Helena at Clyde.“Konti?” sarkastikong tanong nito habang pinagmamasdan ang simpleng plastic bag na inilapag ni Yumi sa table. “Ito lang, really?” “Kung wala kang maayos na
Leer más