"Akala ko ba ay may pupuntahan ka?" bahagya kong tanong habang sumusulyap sa nagmamanehong si Tyler. Seryoso ang kanyang mukha at diretsong nakatuon ang kanyang atensyon sa daan."I saw Rowan when I was about to leave. My hunch was he was here with his woman, and I was right," maikli niyang sagot nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada.Napagat ako sa aking ibabang labi at dahan-dahang tumango. Ramdam ko ang pag-aalaga niya kahit na sa maliliit na bagay. "Salamat," mahina kong bulong."As long as you are with me, you’re my responsibility," tugon ni Tyler. Bahagya siyang bumaling sa akin at tinitigan ako nang diretso sa mga mata. "You have my word."Isang matipid na ngiti ang sumilay sa aking mga labi, pero hindi ko mapigilang mag-isip habang nakatingin sa labas ng bintana. Hanggang kailan magiging ganito si Tyler sa akin? Sure, he’ll help me get revenge on my husband while I'm being his companion, his secretary, and his bèdwarmer. Pero pagkatapos ng lahat ng iyon, ano na ang mangyay
Read more