"What the hèll is happening here while we're gone? Bakit narito sa mansyon si Mariel, Sophia? At bakit wala ka rito?"Sunod-sunod na tanong ng ama ni Rowan. Ang boses niya ay umaalingawngaw sa buong living room, at ang tono niya, imbes na pag-aalala ay tila naninisi, na para bang ako ang may pagkukulang kung bakit nauwi sa ganito ang lahat.Tumingin ako sa kanya nang may malamig na ngiti. "Narito na lang din naman kayo, Mr. Trajano, bakit hindi niyo agad tinanong ang anak niyo nang dumating kayo?" sarkastiko kong tugon. "Siya ang narito, siya ang nakakaalam ng bawat detalye ng pambababoy na ginawa niya sa pamamahay na ito."Umawang ang bibig ng ina ni Rowan, tila hindi makapaniwala sa narinig. "W-What... did you just call your father-in-law, Sophia? Nasaan ang respeto mo?"Iritableng binalingan ko siya. Ang talim ng tingin ko ay sapat na para mapaitlag siya at mabilis na maitikom ang kanyang bibig. "Ang respeto ay ibinibigay sa taong marunong rumespeto, Mrs. Trajano," talak ko sa gin
Read more