"Naku, magluluto pa nga pala ako ng tanghalian. Ma'am, maupo ka muna riyan sa sofa at dadalhan kita ng meryenda," wika ni babae habang itinuturo ang malawak na sala.Akmang aalis na siya nang pigilan ko siya. "Pwede ba akong tumulong sa pagluluto?"Napatigil siya at tila nag-aalangan. "Naku, Ma'am, mauusukan kayo. Mangangamoy ulam ang damit niyo, sige kayo."Natawa ako nang mahina at umiling. "Ayos lang sa akin. Gusto ko talagang tumulong para may magawa naman ako habang naghihintay.""Ikaw ang bahala, Ma'am," nakangiting sagot niya. "Ano nga palang pangalan mo?""Sophia," pakilala ko."Ako naman si Rosella," sagot niya bago ako ginabayan patungo sa kusina.Pagpasok namin doon ay bumungad sa akin ang mga sariwang gulay sa lababo. May dalawa pang kasambahay na tahimik na naghuhugas ng mga prutas at napatingin sila sa akin."Good morning," mahina kong bati sa kanila.Hindi sila sumagot at agad na yumuko para ipagpatuloy ang kanilang ginagawa. "Ganyan talaga sila, takot sa mga bisita," b
Read more