TYLERMatapos mag-spray ng paborito kong pabango ay lumabas na ako ng aking silid. Pagbaba ko ng hagdan ay agad akong sinalubong ni Manang Loring na may malapad na ngiti sa kanyang mga labi."Napakaguwapo mo naman, iho! Mukhang bihis na bihis ka yata ngayon. May date ba kayo ni Sophia? Nakita ko siya kanina na inihatid ni Axel dito sa mansyon," sunod-sunod na puna ng matanda."It’s work-related, Manang," seryoso kong sagot para hindi na humaba ang usapan.Pero hindi ako tinigilan ni Manang Loring. Sinundot pa niya ang aking tagiliran at tumawa nang mahina. "Kaya pala halos maligo ka na sa pabango. Ikaw talagang bata ka, hindi ka na nagbago."Hindi na ako sumagot at nagpaalam na lang para makaiwas sa pang-aasar niya. "I’m going ahead, Manang. Huwag niyo na akong hintayin mamaya."Pumasok ako sa aking kotse at mabilis na nagmaneho patungo sa Casino Grand. Pagdating ko sa main gaming floor ay agad akong luminga sa paligid para hanapin si Axel. Hindi nagtagal ay sumulpot siya sa aking tabi
اقرأ المزيد