Ipinadala ni Rowan ang address kagabi, at ngayon ay nasa kalagitnaan na kami ng biyahe patungong Tagaytay. Dahil Sabado, ramdam ang bigat ng traffic kaya inabot din kami ng halos dalawa’t kalahating oras sa kalsada. Binalak ko sanang mag-taxi na lang o gumamit ng ride-sharing app para hindi na maabala ang schedule ni Tyler, lalo na’t kailangan niya rin ng magmamaneho para sa mga meeting niya. Pero hindi siya nagpatalo. Ipinilit ni Tyler na isama ko si Axel para raw masiguro ang seguridad ko, lalo na’t si Rowan ang makakasama ko sa site.Nang makarating kami sa itinakdang lokasyon, bumungad sa amin ang isang malawak at bakanteng lote. Matatagpuan ito sa mataas na bahagi ng kabundukan sa Tagaytay, kung saan tanaw ang malamig na simoy ng hangin at ang luntiang paligid. Ayon sa plano, balak nilang magtayo rito ng isang mountain resort at high-end residential area. Sa ngayon, marami pa talagang kailangang linisin at alisin bago tuluyang makapagsimula ang konstruksyon."Dito na lang tayo,
อ่านเพิ่มเติม