ROWANIsang malakas na sampal ang pumaling sa mukha ni Mariel, sapat na para mapatigil ang buong paligid. Humawak siya sa kanyang namumulang pisngi, pero imbes na maiyak ay mabilis siyang nakarecover. Sinalubong niya ang nanlilisik na tingin ng aking ina."Bakit? Hirap kayong aminin ang totoo?" hamon ni Mariel, ang boses niya ay nanginginig sa galit. "Tanggapin niyo na na hindi na magbabalikan sina Rowan at Sophia! That woman found a new guy. Hindi na siya babalikan ni Rowan! Ni hindi nga minahal ng anak niyo ang babaeng iyon! Sa ayaw niyo man o sa gusto, dito na ako titira sa bahay na ito. Magpapa-annul si Rowan ng kasal nila, at kaming dalawa ang magpapakasal!""Mariel!" sigaw ko, kahit halos wala na akong boses.Sabay silang lumingon sa akin. Nanlaki ang mga mata ni Mommy nang makita ang itsura ko, ang duguang noo, ang gulo-gulo kong buhok at ang paika-ika kong lakad. Agad siyang tumakbo papalapit sa akin at hinaplos ang mukha ko."Rowan! My God, what happened to you?" tanong niya,
Mehr lesen