THIRD PERSON'S POVLumipas ang isang taon, hanggang sa naging dalawa, hanggang sa hindi na niya namalayan ang oras.Hindi naging madali, pero kinaya niya. Iyong dating spoiled, emosyonal, at palaasa na babaeng umiyak sa harap ng kaniyang ama at kay Cameron ay dahan-dahang nawala. Pinatigas at hinubog siya ng panahon.Noong unang taon niya sa ibang bansa, halos araw-araw siyang umiiyak bago matulog. She hated being away from her family. She hated the unfamiliar cold streets. She hated eating alone in a cramped apartment. At higit sa lahat, nami-miss niya si Cameron, ang boses nito, ang haplos nito, ang amoy nito na natural, at higit sa lahat ang alaga nito.Araw-araw siyang nagpipigil na huwag tawagan o i-text man lang si Cameron. Tiniis niya hanggang kaya niya, hanggang sa paunti-unti, nawawala na sa isip niya.As the months passed, she realized that life didn't stop just because she was hurt. Natutunan niyang mabuhay nang wala ang presensya nito.Para lang maibaling ang isip nito, n
続きを読む