로그인Bianca's Point of ViewMakalipas ang halos isang oras…Ding dong.The sound of the doorbell echoed through the penthouse. Nandito na sila.Yes... dito ko sila pinapunta sa bahay kaysa sa ibang lugar pa kami magkita-kita. Mas ligtas. Hindi ko alam kung may nagbabantay ba sa bawat kilos ko o wala, pero mas mabuti nang sigurado kaysa magsisi sa huli. Hindi ko din talaga maiwasang mag-overthink.OA man pakinggan, gusto ko lang maging maingat. Atleast dito sa bahay safe na walang makakarinig at makakaalam ng pag uusapan namin.At isa pa…First time nina Giovanna at Bernadeth na makapasok dito sa penthouse, pamilyar naman na sila dito dahil sa garden ng Montemayor Grand Hotel dito naganap ang lahat at kung saan kami kinasal ni Sebastian. Naglakad ako palapit sa intercom, Nandoon na nga sina Giovanna at Bernadeth. Pareho silang halatang nag-aalala, kitang kita ko ‘yun sa kanilang mukha at hindi sila mapakaling dalawa habang naghihintay sa labas.Marahan kong pinindot ang unlock button b
Bianca's Point of ViewTatlong araw ang lumipas…Tatlong araw na simula nang ipataw ng Board of Directors ang preventive suspension ko. Tatlong araw na rin simula nang magsimula ang tunay naming plano. At sa loob ng tatlong araw na ‘yon… Hindi na ako muling tumuntong sa Montemayor Corporation.Eksakto tulad ng napag-usapan namin ni Sebastian. Hindi ako pumasok.Hindi ako sumasagot ng tawag mula sa kahit na sino, maging mga kliyente, investors, at iba pang business partners ng kumpanya. I have a separate phone that our clients use to contact me. Hindi rin ako nagre-reply sa mga mensaheng natatanggap at nagtatanong kung bakit hindi ako pumapasok.Lalo na sa mga group chats na kasali at kasama ako.May ilan akong GC na kinabibilangan mula sa iba't ibang departments dahil kailangan sa trabaho. Madalas ay doon ipinapadaan ang announcements, updates, at maging ang mga simpleng tanong tungkol sa mga schedules at meetings.Ngunit sa halip na sagutin ang mga mensahe... nagbabasa lang ako sa
At last…We had finally found our first real lead. Tumahimik ako sandali, hanggang may biglang pumasok sa isip ko, Wait.. Kung gano'n kadaling nakapasok ang kung sino man sa opisina namin, ibig sabihin, hindi siya basta-basta.Nagawa niyang i-hack ang CCTV footage, buksan ang mga pinto ng opisina namin, at ma-access pa ang computer ni Sebastian nang walang iniwang kahit katiting na ebidensya.Magaling siya. Sobrang linis ng pagkaka- trabaho niya....Wait, No.Hindi pala.Hindi pa rin siya gano'n kagaling.May isang pagkakamali siyang nagawa. Nakalimutan niyang bukas ang pinto ng opisina ko.At ang simpleng pagkakamaling iyon ang nagbigay sa amin ng unang lead, ang unang konkretong ebidensyang may nakapasok nga sa executive floor at sa opisina ni Sebastian. Kung hindi niya naiwanang bukas ang opisina ko, baka hanggang ngayon sumasakit ang ulo namin kakaisip kung paano nawala ang files. Well... I should probably thank him for that. At least, umuusad na ang imbestigasyon. But… just t
Bianca's point of view Continuation...Nagkatinginan ang dalawang Head of Security. Tila nabigla sila sa sinabi ni Sebastian. Hindi rin nila inaasahan ang malamig at mabigat niyang tono.“Sir?”Diretso silang tiningnan ni Sebastian bago siya huminga ng malalim. Pagkatapos ay muli siyang nagsalita.Mas malamig.Mas mariin.“A confidential billion-dollar project disappeared from my office. Ah, No. It's not just that. The confidential files from my office disappeared last last night while you were the ones assigned to patrol the executive floor.”Bahagyang nanlaki ang kanilang mga mata. Napatingin pa sila sa isa't isa bago muling ibinalik ang tingin kay Sebastian.Nagpatuloy si Sebastian sa kanyang sinasabi.“The CCTV footage showed no unauthorized entry. The IT Department confirmed that my wife was the last person who accessed my workstation.”Saglit siyang tumigil.Bahagya niyang ibinaling ang tingin sa akin bago muling humarap sa dalawang Head of Security.“But I refuse to believe
Bianca's Point of View That was how the meeting ended and with it came everyone's final decision. I would remain under preventive suspension while the internal investigation was ongoing. Wala na ring tumutol.Wala na ring nagmungkahi pa ng iba.That was truly the fairest decision they could make given the situation the company is facing.Isa-isang tumayo ang mga Board of Directors.Walang nagsalita.Walang nangahas na magsabi pa ng kahit ano.Tahimik nilang inayos ang kanilang mga dalang dokumento bago isa-isang lumabas ng opisina ni Sebastian.May ilan na sumulyap pa sa akin bago tuluyang tumalikod. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nila.Pagdududa ba?Awa?Paniniwala na ako talaga ang may kasalanan?O naniniwala silang wala akong kasalanan?Kasunod nilang umalis ang Head of the IT Department at ang Corporate Security. Nang makaalis na ang lahat at tuluyang magsara ang pinto, bumaling ako kay Sebastian.Nakatayo pa rin siya sa unahan ng conference table. Hindi siya gumagalaw. H
Bianca's Point of ViewKinabukasan…Tahimik kaming mag-asawang naghanda para pumasok sa Montemayor Corporation. Halos wala kaming naging usapan habang nag-aalmusal. Pareho kaming maraming iniisip, Pero sa tingin ko ay hinahayaan lang din ako ni Sebastian.Sinasadya niyang huwag muna akong kausapin. Siguro nararamdaman niyang wala talaga ako sa wisyo. Pero kahit ganun, hindi pa rin niya kinakalimutang asikasuhin ako.Siya ang naghanda ng almusal namin. Pinauna rin niya akong maligo kanina. Hindi man siya masyadong nagsasalita, inaasikaso pa rin niya ako. At kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalala.Gustuhin ko mang kausapin siya, wala talagang gana ang katawang-lupa ko. Lugmok na lugmok ako, lalo na at papasok kami sa kumpanya, Hindi ko alam kung ano na naman ang naghihintay sa amin ngayong araw.Pagkatapos naming kumain, sabay kaming umalis ng penthouse. Walang imik na hinawakan ni Sebastian ang kamay ko hanggang makarating kami sa parking area. Tahimik din ang naging biyahe
Bianca's Point of View Mainit pa ang labi ko mula sa halik ni Sebastian nang tuluyan kaming maghiwalay. Tapos may lumapit sa amin para ipa-pirma ang Marriage Contract namin. Parang huminto ang paligid ng ilang segundo. Tahimik ang garden. Walang nagsasalita.Lahat ng tao ay nakatitig s
Bianca Rivera’s Point of View Parang tumigil ang oras sa garden ng Montemayor Grand Hotel dahil sa sinabi niya.Mahigpit ang hawak ni Sebastian sa kamay ko habang nakatayo na kami sa gitna ng aisle na dapat sana ay para sa kasal ko kay Adrian.Ngunit ngayon—ang tiyuhin na niya ang nasa tabi ko.
Bianca’s point of view Pagbaba ko, walang pakundangan akong naglakad patungo sa garden kung saan sana gaganapin ang kasal namin ni Adrian. Ramdam ko ang tingin ng ibang staff pero wala akong pakialam. Pagdating ko doon, punong-puno ng tao ang garden ng Montemayor Grand Hotel. Hindi basta-bast
“The day that was supposed to be the happiest day of my life… turned out to be the day that would completely shatter me.” — Bianca Dahlia Rivera Nakasuot ako ng puting wedding gown habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa bridal suite ng Montemayor Grand Hotel. Ang mahabang laylayan ng gow







