Zamira Rios POV Tahimik kaming naglakad palabas ng kwarto at pababa sa mahabang hagdan ng mansyon. Habang papalapit kami sa dining hall, mas lalo kong naririnig ang mahinang usapan ng mga taong nasa loob. At sa bawat hakbang na ginagawa ko, mas lalo kong nararamdaman na parang papasok ako sa isang courtroom kung saan ako ang pangunahing akusado. Huminto si Santi sa harap ng malaking pinto ng dining hall. Handa na ba ako? Hindi. Pero hinawakan niya ang kamay ko nang mas mahigpit at binuksan ang pinto. At doon ko sila nakita. Isang mahabang mesa ang nasa gitna ng silid, at sa paligid nito ay nakaupo ang ilang miyembro ng pamilya Del Fierro. Halos sabay-sabay silang napatingin sa amin nang pumasok kami. Ang unang napansin ko ay ang isang matandang lalaki na nakaupo sa dulo ng mesa. Malapad ang balikat niya kahit may edad na, at ang tingin niya ay matalim na parang kayang basahin ang laman ng isip ng kahit sino. Kahit hindi pa siya ipinapakilala, alam kong siya ang tinata
Last Updated : 2026-03-16 Read more