Zamira Rios POV Hindi ko alam kung anong oras na ako tuluyang nakatulog kagabi dahil sa sobrang gulo ng isip ko, na parang kahit ipikit ko ang mga mata ko ay paulit-ulit pa rin bumabalik ang bawat eksena, bawat titig, bawat salita na binitawan ni Santi na parang naka-ukit na sa utak ko at ayaw akong patahimikin, at mas lalo pang naging mahirap dahil alam kong ilang hakbang lang ang layo niya sa akin, nasa parehong silid, nasa kabilang bahagi lang ng kama, at kahit hindi ko siya nakikita ay ramdam ko ang presensya niya na parang may sariling bigat na hindi ko matakasan, kaya sa bawat paggalaw ko ay conscious ako, sa bawat paghinga ko ay parang may kasabay, at sa bawat pagtatangkang ipikit ang mga mata ko ay napapaisip ako kung tulog na rin ba siya o gising at iniisip din ang parehong bagay na gumugulo sa akin. Hindi ko na matandaan kung kailan ako tuluyang nadala ng antok, pero pagmulat ko ng mga mata ko kinabukasan ay ang unang hinanap ng mga mata ko ay siya, at sa hindi ko inaasah
آخر تحديث : 2026-03-18 اقرأ المزيد