Zamira Rios POV “Yes,” sagot niya, diretso, walang pag-aalinlangan, at iyon ang tuluyang nagpasabog sa lahat ng kinikimkim ko. “Unbelievable,” bulong ko pero sapat para marinig niya, sabay iling ko habang pilit pinipigilan ang sarili ko na hindi tuluyang sumigaw sa harap niya. “Fine,” dagdag ko, mas malamig na ngayon ang boses ko, mas desidido, habang tumatayo ako mula sa kinauupuan ko. “I’ll just go back to my condo,” sabi ko, diretso, dahil sa puntong iyon ay iyon na lang ang nakikita kong paraan para ilayo ang sarili ko sa sitwasyon na unti-unting sumisira sa akin. Pero bago pa ako tuluyang makalayo ay agad siyang tumayo at humarang sa dadaanan ko, mabilis, mariin, at halatang hindi papayag. “No,” sabi niya, mababa pero may diin na hindi pwedeng kontrahin, at doon ko naramdaman ang muling pag-init ng ulo ko dahil sa paraan ng pagdidikta niya sa akin. “No?” ulit ko, halos matawa sa sobrang inis habang nakatingin ako diretso sa kanya. “You don’t get to decide that for me,
آخر تحديث : 2026-03-19 اقرأ المزيد