Share

Chapter 67

Author: Ms. Nerie
last update publish date: 2026-05-05 19:19:06
Naayos na muli ang harapan ng boutique shop ni Mr. Chen. Wala na ang mga bitak at gulo na iniwan ng nagdaang insidente—malinis na ulit ang salamin sa harap, maayos ang pagkaka-roll ng mga tela sa loob, at tila pilit ibinabalik sa normal ang lahat.

Nagpatuloy ang negosyo.

Naroon muli si Cassandra.

Nakaupo siya sa isang simpleng upuang kahoy sa gitna ng shop.

Sa labas, dumadaan ang ilang tao. Sa loob, tahimik ngunit buhay ang kilos ng tindahan.

Huminga nang malalim si Mr. Chen bago tumin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anna Liza
hay naku wala na magulo na kwento
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 146

    Sa maliit na garden ng bahay na pansamantala nilang tinutuluyan, tahimik na nagdidilig ng mga halaman at bulaklak si Cassandra.Pilit niyang nililibang ang sarili.Pilít ding isinasantabi ang nalaman niya—ang kasunduang ipakasal sina Ismael at Nicole, at ang posibilidad na tuluyan nang mapawalang-bisa ang kasal nila. Hindi niya namalayang humigpit ang hawak niya sa hose. Lumakas ang bugso ng tubig hanggang sa tumalsik iyon sa kanyang damit at mukha.Doon lang siya tila natauhan.Mabilis sana siyang lalapit upang patayin ang tubig, ngunit may nauna na.Isa sa mga tauhang nagbabantay sa kanila ang nagsara ng gripo.“Salamat po,” nahihiyang sabi ni Cassandra.Tumango lamang ang lalaki bago muling bumalik sa puwesto nito.Maya-maya ay lumapit si Divina na may dalang tuwalya.“Ayos ka lang?” tanong nito habang inaabot ang towel.“Ah, oo. Salamat, Divina.”Pinunasan ni Cassandra ang kanyang mukha at mga braso.“Nagalit si Rey sa pagtakas natin,” sabi ni Divina. “Marami na tuloy siyang pina

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 145

    “S-Sir, bawal ho kayo rito…” iniwas ni Cassandra ang tingin, hindi niya kayang salubungin ang nang-uusig na mga mata ni Ismael.Napasinghap siya nang bigla nitong isandal ang isang kamay sa pader, sa itaas mismo ng kanyang ulo. Nakulong siya sa pagitan ng matipunong katawan nito at ng pader ng service area. Sandali siyang napalingon dito, gulat, pero agad din siyang yumuko at umiwas ng tingin.“S-Sir… a-ano ho bang problema?” nauutal niyang tanong.“Catherine,” malamig ngunit may halong panghahamon na sabi ni Ismael. Dahan-dahan at sadyang mabagal niyang tinanggal ang suot na salamin ni Cassandra."Teka, Sir! Ano ba—" Akma niyang aagawin ang eyeglasses mula sa kamay nito, pero agad na inilayo iyon ni Ismael.Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang kaba. Lalong lumapit si Ismael at yumuko, kaya halos ramdam na niya ang mainit at mabangong hininga nito."Catherine..." mababa nitong saad. "Iyan ba talaga ang pangalan mo?" “O-Oho… i-iyan po talaga,” umiwas ulit siya ng tingin, pilit

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 144

    “Hey… are you two in luwuv?” tanong ng batang babae na bahagyang nabubulol pa sa salitang “love” habang hinihila ang laylayan ng damit nilang dalawa.“Ha?” nataranta si Cassandra. “S-Sir, y-yong kamay ko po—”Mabilis niyang inalis ang kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Ismael.Nanatiling nakatingin si Ismael sa kanya—seryoso, matiim, parang may binabasa sa galaw niya na hindi pa niya kayang intindihin.“Heto po, t-tissue,” mabilis niyang sabi habang inaabot iyon.Napatingin siya sa ibabang bahaging may mantsa sa harap ng pantalon ni Ismael, saka agad umiwas ng tingin, napalunok siya na parang may naalala.Muling humarap si Cassandra sa batang babae na ngayon ay hawak-hawak ang magkabilang laylayan ng kulay apple green na flower girl dress, medyo gusot na sa kakulitan.“Are you feeling better now, baby girl?” tanong niya habang tinitingnan pa ang mga kamay nito kung may natira pang ice cream. “Yeah,” tumango-tango ang bata.“Wha’s your name?” bulol nitong tanong sa kanya.“Ca-C

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 143

    “Nicole, it's bouquet toss! Come on, maybe you'll be the next bride!” Tawag iyon ng bride na si Wendy mula sa gitna ng venue.Napalingon si Nicole.Dahil doon, hindi nito naituloy ang tangkang paghablot sa wig ni Cassandra.Napahinga nang maluwag si Cassandra.Hindi na siya nag-aksaya ng oras at mabilis na umalis sa lugar.Pagbalik niya sa service area, agad siyang sinalubong ni Divina.“Cassandra, ayos ka lang?”Tumango siya. Ngunit sapo pa rin niya ang dibdib habang pilit pinapakalma ang sarili."Muntik na akong mabuko ni Nicole.” mahina niyang sagot.Napalunok si Divina.“Kailangan nating makagawa ng paraan para makaalis na tayo rito,” sabi ni Divina, nag-iisip.Napalingon si Cassandra sa direksyon ng venue. Mula roon ay tanaw pa rin niya ang mga bisita, ang kasiyahan ng okasyon...at si Ismael na tila nakamasid pa rin sa kanya.“Cassandra, nagalit si Rey sa pagtakasnatin,” nag-aalalang sabi ni Divina.“Ano?” napakurap siya at bahagyang napayuko.“Tapos sabi niya…” Nahinto si Div

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 142

    Abala ang mga staff sa kani-kanilang gawain. May mga waiter na naghahain ng inumin, may nag-aayos ng mga mesa, at may mga coordinator na paikot-ikot upang tiyaking maayos ang takbo ng program. Kasabay ng ibang staff, binigyan sina Cassandra at Divina ng tig-isang tray na may lamang mga wine glass. “Cassandra, kaya mo ba?” mahinang bulong ni Divina habang naglalakad sila sa gilid ng venue. “Oo, Divina,” sagot niya. Ngunit kahit kalmado ang boses niya, mahigpit ang pagkakahawak niya sa tray. “Hayaan mo. Hahanap lang tayo ng pagkakataon na hindi nakatingin ang supervisor, tapos aalis na tayo agad. Hindi naman talaga tayo staff,” bulong ni Divina. “Sige,” mahinang sagot ni Cassandra. Ngunit hindi naging ganoon kadali ang plano nila. Maya-maya ay nagsimula na ang programa. Isa-isang pinaupo ng coordinator ang mga bisita sa kani-kanilang mesa habang tumutugtog ang mahinang instrumental music sa paligid. Unti-unting napuno ang mga upuan. Halos lahat ay abalang bumabati sa bride at g

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 141

    Sa bahay na kanilang tinutuluyan at pansamantalang pinagtataguan…Sa sala, abala si Cassandra sa laptop.Payapa ang paligid, simple at maaliwalas ang maliit na sala—nasa harap niya ang maliit na coffee table kung saan nakalatag ang kanyang sketchpad, mga lapis, at ilang design notes. Katabi rin ang isang tasa ng malamig na kape at nakapatong na cellphone na paminsan-minsan lang niyang tinitingnan.Ilang araw na rin ang lumipas.Unti-unti, pilit na sinusubukan ni Cassandra na masanay sa mga nangyayari. Sa kabilang sofa, abala naman si Divina sa pag-scroll sa cellphone niya.Maya-maya ay bigla itong napatigil. Napatingin muna kay Cassandra, tila nag-alangan, bago muling ibinalik ang tingin sa screen.Napakunot-noo si Cassandra nang mapansin ito.“Totoo ba 'to…” mahina ngunit iritang bulong ni Divina. Agad niyang ibinaba ang brightness ng cellphone.“Bakit, ano ‘yan Divina?” tanong ni Cassandra, hindi inaalis ang tingin sa laptop.“W-Wala…” mabilis na sagot ni Divina, umiwas ng tingin.

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 131

    Nakahinto si Cassandra sa tapat ng gusali habang tinitingnan ang gate.May mga guwardiya at CCTV sa labas.“Hindi tayo basta makakapasok dito,” sabi ni Divina.Pero ilang sandali lang, may dumating na delivery van at napunta ang atensyon ng mga guard doon.“Ngayon na,” mahinang sabi ni Cassandra.M

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 130

    Sa tapat ng Monte Verde Memorial Garden, ihininto ni Cassandra ang sasakyan. Siya ang nagmamaneho, katabi niya sa unahang upuan si Divina, habang nasa likuran naman sina Linda at Rene. “Dito nga iyon, Cassandra,” sambit ni Linda habang nakatanaw sa sementeryo. “Dito gumawa ng pekeng libingan si S

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 128

    Mula sa binabaang sasakyan ni Beverly, bumaba rin si Nicole at hinabol ang ina.“Mommy, please calm down. Don’t do this to Papa,” pigil ni Nicole, halatang kinakabahan habang sinusundan ang ina.“Kailangan nang matigil ang kasamaan ng Papa mo, Nicole,” mariing sagot ni Beverly.“But Mom!” protesta

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 124

    “Sino ba ang mga dumating, Rene?” Lumabas ang isang babaeng nasa singkuwenta pataas. Makikita pa rin ang dating ganda niya, pero halatang kupas na sa paglipas ng panahon. May suot siyang lumang alahas at maayos ang buhok kahit medyo may mga puti na. May bakas ng pagod sa mukha, at parang may mabig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status