Muling tumunog ang buzzer mula sa puwesto ng matandang babae, at doon na tuluyang napakunot ang noo ni Raina.‘Ano ba ‘to… tataasan pa niya?’Nasa 1.6 million na siya, halos kalahati ng budget niya. May kaunting allowance pa, oo, pero kung aabot ng higit dalawang milyon, wala na siyang laban.‘Hanggang saan ba niya gustong itulak ‘to…?’Sa totoo lang, kahit gaano kaganda ang ruby, sapat na ang 1.6 million para dito. May mas malalaki at mas mapupusyaw na rubies na mas mura pa, kung may konting gasgas, minsan one-tenth lang ng presyo. Kahit nga ang kuwintas ng lola niya noon, may takip na disenyo para itago ang imperfections.Pero hindi naman iyon ang habol ni Raina.Para ‘to kay Jaxen…At kahit nanginginig ang dibdib niya sa halaga, hindi niya pinagsisihan ang ginawa niyang bid.“Yes, the lady with the buzzer…” sabi ng host, nakatingin sa matandang babae.“May itatanong lang ako sa kasabay kong bidder,” mahinahong sabi ng matanda.Napalingon si Raina, medyo nagtataka.“Ano po ‘yon?”“A
آخر تحديث : 2026-04-06 اقرأ المزيد