Napabuntong-hininga si Raina, tila pinipilit pa ring ipaliwanag ang panig na matagal nang malinaw sa kanya, ngunit tila hindi kailanman magiging sapat para kay Jaxen.“Jaxen, hindi naman gano’n kadali…” mahina niyang sabi, halos pabulong. “Kahit gaano kamahal ang asawa mo, ang isugal ang lahat, lupa, pangalan, dignidad, hindi iyon basta-basta magagawa, lalo na para sa isang lalaking pinalaking mahalaga ang honor…”Ngunit hindi pa siya tapos magsalita nang putulin siya ni Jaxen, direkta, walang pag-aalinlangan.“Si Mrs. Marianne Montes,” malamig ngunit kontrolado ang boses niya, “isinuko ang pagmamay-ari ng lupa niya para sa dalawang apo niya. Tama ba ako?”Para bang may pumigil sa paghinga ni Raina.Hindi siya agad nakasagot.Ang pangalan ng kanyang lola, isang taong puno ng sakripisyo, ay biglang sumingit sa usapan, at kasabay nito’y bumalik ang mga alaala. Ang matandang babaeng iyon, na tahimik na isinuko ang lahat, ari-arian, kapangyarihan, para lang mapalaki silang magkapatid nang
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-04-30 อ่านเพิ่มเติม