Mabilis na nag-iba ang hangin sa loob ng silid, kanina’y mabigat at puno ng tensyon, pero sa pagpasok ni Philip, tila biglang uminit at saka muling kumalma ang lahat.“Ano kayang sadya ng anak ng Pangulo dito…” mahina ngunit halatang nagtatakang bulong ni Raina.Napatingin si Daniel sa kanya at ngumiti nang bahagya. “Nag-aalala lang din siya kay Lola,” paliwanag niya. “Sinabihan ko na siyang maghintay hanggang mamaya, pero ayun… hindi na nakatiis. Dumiretso na.”“Daniel,” mahinahong saway ng matanda, bahagyang tumalim ang tono, “hindi mo dapat tinatawag ang anak ng Pangulo sa pangalan lang.”Agad namang yumuko nang bahagya si Daniel, naging maamo ang ekspresyon. “Yes, po.”Napansin iyon ni Raina. Kahit gaano pa sila ka-close, malinaw pa rin na may hangganan ang dapat sundin. Pero sa paraan ng pakikitungo nila sa isa’t isa, halatang malapit talaga ang dalawa.“Then I’ll leave you first, Grandma,” sabi ni Daniel, tila magalang na aalis na sana upang hindi makaistorbo.“No, don’t,” agad
آخر تحديث : 2026-04-24 اقرأ المزيد