HINDI PA TULUYANG GUMAGALING ANG kamay ni Leo. May benda ito dahil tuluyan ng natahi ang sugat niya doon.Sa kabilang kamay niya ay hawak niya ang phone at napaisip na lang. Alam niyang sa buong linggo, nasa ospital lang si Hyacinth at inaalagaan si Rui. Sa isang linggong iyon, hindi niya iniwan ang lalaki doon."Leo? Hindi mo ba ako narinig? Dalhin mo si Hyacinth ngayong gabi, ah? Doon na kayo magdinner."Doon lang naalala ni Leo na kausap pa pala niya ang kaniyang Lola sa phone. "Okay po, 'La," sagot niya sa matanda.Sa gabing iyon, bumalik na si Leo sa family house nila. Sinalubong siya ng kaniyang Lola na masayang masayang makita siya. Ngunit ang sayang iyon ay napawi nang may mapagtanto."Bakit mag isa ka, Leo? Nasaan si Hyacinth?" tanong ni Lola Elizabeth."'La, mukhang busy po si Hyacinth sa school. Kung namimiss niyo siya, pwede niyo naman po siyang tawagan at kayo na lang ang mag imbita sa kaniya na pumunta dito," sagot ni Leo, hindi maiwasang malungkot din para sa Lola dahil
Read more