MasukHANGGANG SA NAPANSIN ni Leo ang tila pasa sa may bandang leeg ng babae. Agad nandilim ang kaniyang ekspresyon."Sino ang may gawa nito sa kaniya?" nakaigting ang pangang tanong ni Leo."Ang Manuel na iyon!" bulalas ni Alfred. "Mabuti na lang at nandito ka na! Halos hindi na kami makasurvive dito. Kapag hindi mo pa kami agad natagpuan baka wala ka ng aabutang buhay dito ngayon."Hinaplos ni Leo ang pisngi ni Hyacinth. Parang may kung anong paninikip sa dibdib niya ngayon habang nakatanaw sa babae. May pakiramdam siya sa loob niya na gustong protektahan na lang ito. Binuhat niya ito kalaunan sa kaniyang bisig at idinikit sa kaniyang dibdib.Binalingan ni Leo si Alfred. "Magpahinga ka muna. Aayusin natin lahat bukas," bilin niya sa kaibigan.Alam ni Leo na parehas na pagod pa rin sina Alfred at Hyacinth. Kaya kung ano man ang plano nilang umalis ngayon ay hindi epektibo. Kailangan nilang maghintay hanggang umaga.Sumang ayon naman si Alfred. Nandito na sa wakas si Leo kaya naman pakiramd
"MALAKAS DIN ANG PAKIRAMDAM ko. Nandiyan nga sila..." saad ni Leo habang pasimpleng iginagala ang tingin sa paligid, nagmamatyag."Pero bakit po kayo tumalikod agad? Suko na po kayo?""Hindi mo ba napansin ang pakikitungo nila sa 'tin?" tanong ni Leo sa mababang boses. "May mga nagmamasid din sa paligid. Mas marami sila kaysa sa atin. Teritoryo rin nila dito. Kung susubok tayo at ipipilit ang gusto, alam mo na kung anong mangyayari."Isa pang dahilan kung bakit tumalikod si Leo ay kung hawak nga ng mga taong ito sina Hyacinth at Alfred, baka gawan nila ang mga ito ng masama. Hostage nila ang dalawa ngayon. Hindi pwedeng irisk iyon ni Leo."Tumawag na po ako ng back up, Sir," saad ni Mila kalaunan.Tumango si Leo. "Good. Pero ngayon, kailangan nating makapasok sa teritoryo nila nang hindi gumagawa ng ingay."Bago pa man makasagot si Mila, may dumating biglang babae na sumalubong sa kanila."Sino kayo?" tanong ng babae.Iyon ay si Soledad Segundo, ang nakababatang kapatid nila Manuel at
MABIGAT NA NAPABUNTONG hininga si Alfred. Kinuha niya ang kumot at ipinalibot sa katawan. Maganda naman ang naging tulong ni Hyacinth. Ang kaso nga lang, habang tumatagal, talagang nilalamig na siya. Napayakap na rin siya sa sariling katawan. Namumutla na ang kaniyang labi at nanginginig sa lamig."A-Ang... lamig..." bulong pa ni Hyacinth sa gitna ng kaniyang tulog.Hindi maiwasang lumapit tuloy ni Alfred at bumulong. "Ano iyon, Hyacinth? May sinasabi ka ba?" tanong niya dahil hindi niya gaanong maintindihan ang sinabi nito kanina."M-Malamig..." sagot naman ng babae.Idinampi ni Alfred ang palad niya sa noo ni Hyacinth at tumaas pa talaga ang temperatura nito. Talagang mainit na ang balat ng babae."A-Ang l-lamig..." tila nagdedeliryong sambit muli ng babae.Hinila ni Alfred ang kumot ng babae para maibsan ang panginginig nito. Ang kaso tila wala namang naging epekto iyon. Hindi iyon napigilan ang panginginig ni Hyacinth sa lamig.Pero may isa pang natitirang option si Alfred. Iyon
BINIGYAN NI HYACINTH ng isang kyuryusong tingin ang lalaki. Gwapo naman si Alfred, sa totoo lang. Tagapagmana rin ito ng mga negosyo nila at tinitingala rin ang pamilya nila sa bansa. Pero ngayon, ibang iba ang itsura nito sa usual na postura nito. Marungis ito at maputla dahil nawalan ito ng dugo. Hindi rin tuwid ang paglalakad dahil sa injury sa paa pero kahit papaano, gwapo pa rin naman ito. Ibang iba sa istilo ni Leo na laging malamig ang aura pero hindi naman ito napang iiwanan."'Wag mong sabihing... nag aalala ka talaga para sa akin? Bakit mo ako sinundan?" mapagbirong tanong ni Hyacinth sa lalaki.Hindi kasi talaga naniniwala si Hyacinth na ginagawa ito ni Alfred para sa ibang bagay. Bakit naman kasi kailangan pa nitong sumunod?Napasimangot agad si Alfred doon. Arogante pa niyang tiningnan si Hyacinth. "'Wag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Ako? Mag aalala sa iyo? Nananaginip ka ba ng gising?"Natawa ng bahagya si Hyacinth. "Biro lang. Alam ko naman na wala ka tal
BAGO PA MAN MAKAPAGREACT SI Hyacinth, sinugod na siya ni Manuel. Kinabahan siya lalo at sinubukang lumayo pero dahil sa panginginig niya, hindi naging mabilis ang kilos niya. Masyadong mabigat si Manuel na mabilis nitong nailapag basta ang katawan ni Hyacinth sa sahig.Agad na kumilos si Manuel at pinunit ang damit ni Hyacinth. "Baliw na baliw ako sa iyong babae ka! 'Wag ka na lang manlaban para hindi ka na mahirapan pa!"Parang nahihilo bigla si Hyacinth sa kaba. Walang silbi ang pagpupumiglas niya dahil sa bigat ni Manuel sa ibabaw niya. "Umalis ka nga diyan! Isipin mong mabuti itong pinaggagagawa mo! Darating na ang asawa ko. Hindi lang siya basta basta... mayaman at makapangyarihan din siya at kayang kaya niyang sirain ang buhay mo kapag nalaman niyang dinapuan mo ako kahit dulo lang ng daliri mo!"Masyado ng bulag sa sariling pagnanasa si Manuel na hindi na nito pinansin ang mga sinabi ni Hyacinth. Sa isang marahas na galaw, pinilas nito ang collar ng suot ng babae "Kalimutan mo
SA ISANG MABILIS na pagbaluktot ng bato, naibalik na iyon sa tamang pwesto. Masakit iyon para kay Alfred kaya nagcollapsed na lang siya sa kama habang hinihingal at pilit na humihinga ng malalim para pakalmahin ang sarili.Suminghap ang manggagamot. "Teka... naibalik mo sa dati ang pwesto ng buto niya ng gano'n lang kabilis?! Napakagaling na tanging ang legendary doctor lang ang nakakaalam no'n sa pagkakaalam ko!"Nakahiga lang doon si Alfred, putlang putla pa rin. "A-Anong ibig mong sabihin?" tanong na lang niya."Mali ang pagkakaintindi mo! Hindi ka niya pinipilayan o pinapalala ang kondisyon ng paa mo! Inayos nga niya, eh! Halatang magaling siya at may alam sa medical field! Iniligtas niya ang buhay mo!"Natigilan na lang si Alfred doon. Mali ba talaga siya ng pagkakaintindi sa ginawa ni Hyacinth?"Humingi ka ng dispensa sa kaniya," dagdag pa ng manggagamot. "Siya ang dahilan kung bakit maayos na iyang paa mo ngayon."Napatingin si Alfred kay Hyacinth na medyo lumayo na. Alam naman
"H-HAPPY BIRTHDAY, Leo. 'Yan ang gift ko sa iyo. Nagustuhan mo ba?" Tumingin si Hyacinth kay Leo ng deretso. Samantalang si Leo naman ay tila hindi man lang naapektuhan dahil nakuha pa nitong ngumisi na tila ba malaking katatawanan ang sinabi ni Hyacinth ."Ano? Dahil ba hindi ako nagcelebrate ng
WALA NG MAS sasakit pa sa katotohanang malaman na ang asawa mo ay may kabit. Mapapatanong ka sa sarili mo kung ano ba ang kulang mo? Ano ba ang meron sa iba na wala ka?Nanginginig si Hyacinth habang pinagmamasdan ang mensahe mula sa kabit ng kaniyang asawa. May picture na kalakip iyon na tila nan
"SAYANG! WALA man lang masyadong info about sa kaniya! Ano namang ibig sabihin niyang 'H' na iyan?" reklamo ni Alfred at nailing na lang."Malay ko..." walang ganang sagot lang ni Leo."Ifollow mo na lang, dude!"Nagkibit balikat lang si Leo sa sinabi ni Alfred pero kalaunan ay sinunod din naman ni
HINDI MAIWASANG magulat ni Alfred sa sinabi ni Jasmine. Kasi ang totoo niyan, isa sa mga rason kung bakit inaadmire nila si Jasmine ay dahil hindi lang siya basta mukha o pisikal na anyo lang. Matalino rin ito. At sa lahat ng mga babaeng napalapit kay Leo, ito ang pinakanababagay talaga sa kaniya.







