Share

5

Penulis: Rouzan
last update Tanggal publikasi: 2026-04-03 23:39:36

"Vincent, feel yourself at home, okay? Kung may need ka pa, h'wag kang mahihiyang magsabi sa 'kin, ha?" malambing na sabi ni Michael nang makarating na sila sa kaniyang mansion.

"Opo, tito Mike!"

"Very good. Ang mabuti pa, umakyat ka na muna sa kwarto. Sasamahan ka ng magiging bodyguard mo," sabi pa nito bago niya senyasan ang kaniyang tauhan.

"Halika na, Vincent."

Nang umalis ang bata ay saka naman hinarap ni Michael ang kinakabahang si Fortuna.

"B-Bakit mo ba kami dinala rito? A-Ano ba'ng pakay mo sa 'min?" natatakot na tanong ni Fortuna.

Ngumiti nang tipid si Michael at dahan-dahang naglakad palibot sa dalaga.

"Hindi ko na kailangan pa'ng magsabi sa 'yo, Fortuna, dahil sigurado akong alam mo kung ano ang pakay ko," kalmado ngunit may awtoridad na sabi ni Michael. "At ikaw ang pakay ko."

"Ano ba? Bakit ba palagi mo na lang akong sinusundan? Nagawa ko naman ang pinagagawa mo sa—"

"Hindi lang 'yon ang gusto kong mangyari, Fortuna. Gusto ko, nandito ka lang sa tabi ko. Gusto kong nakikita ka palagi at nakakasama," putol ni Michael bago harapin ang dalaga. "Matagal na panahon na akong naghintay at sa 'yo. Ngayong nandito ka na, hinding hindi na kita pakakawalan."

Lumakas ang pintig ng puso ni Fortuna sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Michael.

"A-Ano ba'ng pinagsasasabi mo? H-Hindi kita maintindihan."

"Hindi mo maintindihan? Pwes, ipapaalala at ipapaintindi ko sa 'yo," sabi ni Michael bago niya nilahad ang kaniyang palad at natanggap ang isang maliit na litrato.

Hinarap niya ito kay Fortuna upang ipakita ang nasa larawan.

"Ito. Hindi mo pa ba natatandaan ang matabang bata na 'to?" tanong ni Michael sa dalaga. Samantala ay tila naestatwa naman si Fortuna nang maalala ang matabang lalaking nasa larawan. "Siya lang naman ang batang nagtapat ng pag-ibig niya para sa 'yo noon, at siya lang din ang batang minaliit mo ang pagkatao bago mo iwan. Natatandaan mo pa ba siya?"

Hindi makaimik si Fortuna. Nanginginig ang kaniyang labing tinignan ang larawan at ang kinaroroonan ni Michael.

"I-Ikaw?" tanong ni Fortuna. Naalala niya ang nangyari noong high school pa lang sila ni Michael.

//FLASHBACK//

Naglalakad si Fortuna sa hallway habang ang kaniyang mga kapwa estudyante ay hindi maiwasang hindi mapatitig sa taglay niyang kagandahan.

Si Fortuna ang famous sa buong campus.

"Hi, Fortuna!"

"Hi!"

"Pa-picture naman, oh? Pwede ba?"

"Sure!"

Daig pa ni Fortuna ang isang sikat na artista kung batiin at purihin siya ng kaniyang mga kapwa estudyante.

Sa pagbalik ni Fortuna sa kaniyang desk ay bigla na lang lumapit ang isa sa mga kaibigan niyang babae na may dalang isa at maruming bulaklak.

"Ano 'yan?" taas-kilay na tanong ni Fortuna sa kaibigan.

"May nagpapabigay, e," saad lamang nito.

"Sino?" takang tanong ni Fortuna kaya't ngumuso ang kaniyang kaibigan, tinuturo ang gawi sa taong nagbigay ng bulaklak.

Nang lingunan ni Fortuna ang pintuan ay nakita niya ang isang matabang lalaki na tila nagtatago pa sa pader ng classroom dahil sa hiya. Ngumiti ito sa gawi ni Fortuna habang inaayos ang nalalaglag nitong salamin sa mata.

Napairap sa ere si Fortuna at hinarap ang kaibigan.

"Siya?" paninigurado niya.

"Oo. Gusto ngang magpa-picture kaso sinabi ko na busy ka."

Huminga nang malalim si Fortuna at muling napairap.

"Pakisabi, salamat. Pagtapos, itapon mo 'to, ha?"

WALANG ARAW na hindi nakatatanggap si Fortuna ng bagong pitas at maruming bulaklak mula sa matabang lalaki, ngunit palagi naman niya itong tinatapon.

Hindi nagtagal ay sumapit ang araw ng graduation ng high school students. Masayang masaya ang lahat dahil sa panibagong kabanata na tatahakin nila sa kanilang mga buhay.

"Congratulations! See you, guys, soon!"

"Bye!" paalam ni Fortuna sa kaniyang mga kaibigan bago sila naghiwa-hiwalay.

Akmang maglalakad si Fortuna ngunit napatalon siya sa bigla nang bumungad ang matabang lalaking palagi siyang binibigyan ng bulaklak.

"H-Hello, Fortuna," nahihiyang pakilala ng matabang lalaki, ngunit nginitian lamang siya nito nang peke. "A-Ako nga pala si M-Mickey. A-Alam mo, matagal na kitang gusto. N-Nakakalungkot nga lang k-kasi... kasi hindi na tayo magkikita ulit."

"Okay nga 'yon, e, 'di ba?" simpleng pagmamaldita ni Fortuna at saka ito nilampasan.

"S-Sandali," pigil ni Mickey at muli niyang pinuntahan sa harapan si Fortuna. "M-May gusto pa sana akong sabihin, e."

"Pwedeng pakibilisan? Baka kasi hinahanap na ako ni Mommy, e."

Lumunok muna ng laway si Mickey habang iniisip kung sasabihin ba niya o hindi ang nais niyang sabihin.

"Ano ba? Magsasalita ka ba o hindi?" inis na tanong ni Fortuna.

"A-Ano kasi... F-Fortuna, ano... Uhmm... G-Gusto kitang... Gusto kitang ligawan."

Napataas ang isang kilay ni Fortuna at saka tinawanan ang nahihiyang si Mickey. Samantalang nagtataka naman ito sa kaniya.

"Ano? Gusto mo 'kong ligawan? Tignan mo nga 'yang sarili mo," natatawang sabi ni Fortuna. "Hindi kita papatulan, 'no!"

"B-Bakit? Dahil ba s-sa pisikal kong anyo?" maluha-luhang tanong ni Mickey.

"Tsk! Malamang! Kahit na sinong babae, hinding hindi magkakagusto sa 'yo. Ang taba-taba mo, Mickey. Tigilan mo nga 'yang kalokohan mo," natatawa pa'ng sabi ni Fortuna, habang si Mickey ay nagpipigil ng iyak.

"P-Pero, Fortuna—"

"Mickey, nagpapasalamat naman ako sa mga regalo mong bulaklak na nakaw lang sa school garden, pero hinding hindi kita papatulan," saad ni Fortuna at mas nilapitan pa ito upang taasan ng kilay at malditahan. "Hinding hindi kita magugustuhan kahit na kailan dahil hindi ikaw ang tipo ko. Kung magkaka-boyfriend man ako, sisiguraduhin kong gwapo at maganda ang pangangatawan. Sige, ha? Mauuna na ako."

Umiiyak si Mickey habang umuulit sa kaniyang isipan ang sinabi ni Fortuna. Pumapasok sa isip niya na mukhang totoo ang sinabi nito.

Ngunit hindi siya makapapayag.

Nilingunan niya ang gawi ng papalayong dalaga at matalim itong tinignan.

"Balang araw, makikita mo rin ang pagbabago ko, Fortuna. Ipinapangako ko na sa muli nating pagkikita, ibang Mickey na ang makikilala mo," saad niya sa sarili habang nakakuyom ang kaniyang kamao.

//END OF FLASHBACK//

"M-Mickey?" sambit pa ni Fortuna matapos alalahanin ang nakaraan.

Napangiti naman si Michael.

"Mabuti at natatandaan mo pa ako," seryoso nitong sabi.

"M-Mickey, h-hindi ko naman alam na—"

"Na alin? Na ako na ang kaharap mo? Ang matabang lalaking minaliit mo noon? Ha?" mga tanong pa ni Michael bago ito marahang lapitan. "Ako na ang lalaking nilait mo, Fortuna."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)   12

    Abalang abala si Fortuna sa pag-aasikaso kay Vincent upang makapasok na ito sa eskwelahan. Naka-ready na ang bata na kumakain ng almusal."Anak, basta yung mga ibinilin ko, h'wag mong kalilimutan, ha?" paalala ni Fortuna sa kaniyang unico hijo."Opo, Mommy. H'wag po kayong mag-alala, hindi ko po makakalimutan yung mga binilin po ninyo sa 'kin," tugon naman ng bata."Dalhin mo na yung isang sandwich at prutas d'yan para hindi ka magutom. Halika na, anak, baka ma-late ka pa."Umalis ang mag-ina upang maihatid na sa eskwelahan si Vincent na excited na rin'g pumasok. Matapos lamang ang ilang minuto ay nakarating na sila. Agad namang tinungo ni Fortuna ang anak sa classroom kung saan ito kabilang."Baka may kailangan ka pa, anak, ha? O baka may nakalimutan ka?" tanong ni Fortuna bilang paninigurado."Wala na po, Mommy. Okay na po ako.""Hmm... Sige, mag-iingat ka palagi, ha? Kapag may problema, h'wag kang mahihiyang magsabi sa teacher mo, okay?""Opo, Mommy."Niyakap ni Fortuna ang kaniyan

  • Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)   11

    Nagtungo si Fortuna sa kinaroroonan ng pwesto. Marahan pa'ng hinila ni Michael ang kaniyang uupuan upang makaupo nang maayos ang dalaga.Samantala, napapansin ni Michael ang titig ni Brandon sa dalaga na tila hindi makapaniwala sa gandang taglay nito."You didn't tell me na boyfriend mo pala si Mr. La Vierre, Fortuna," sabi ni Cindy na natutuwa sa nalaman, samantalang kunot-noo namang napatingin si Fortuna sa gawi ni Michael na ngayon ay nakangiti na sa gawi niya.'Boyfriend?!' gulat na gulat na tanong ni Fortuna sa kaniyang isipan."So bakit mo pala kami inimbitahan ni Cindy?" tanong ni Brandon kay Fortuna. Bakas sa expression ng mukha nito at sa tono ng pananalita na may inis."Bakit naman hindi? Cindy is my friend. Fiancé ka niya, 'di ba? So isasama ka niya," sagot naman ni Fortuna, confidently.Nang makaupo na ang lahat ay saka naman lumabas ang dalawang waiter upang hainan kami ng appetizer at drinks."Ano'ng ganap, Fortuna? You know what? Hindi ko akalain na ang nanliligaw sa 'y

  • Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)   10

    Ilang araw ang nagdaan ay tuwang tuwa si Vincent dahil pwede na siyang pumasok ng school. "Mama, saan ka po pupunta? Aalis ka rin po ba?" tanong ni Vincent sa kaniyang ina habang abala siyang inaasikaso nito. "May pupuntahan lang ako saglit. Mamaya, susunduin din kita, ha? H'wag kang aalis sa school hangga't wala ako," bilin naman ni Fortuna. Matapos ang kanilang pag-aasikaso ay nagtungo na sila sa labas kung saan ay may naghihintay ng taxi. "Mama, kailan po ba tayo babalik kay Tito Mike?" tanong ni Vincent nang makasakay silang mag-ina. "Hindi ko pa alam, e. Basta kapag hindi na siya busy, dadalaw tayo sa kaniya. Sinamahan ni Fortuna ang kaniyang anak hanggang sa maihatid na niya ito sa eskwelahan. Muli siyang sumakay sa taxi para naman magtungo sa isang restaurant kung saan ay magkikita-kita silang magkakaibigan noong high school. Sa ilang minutong pagbyahe ay nakarating na siya sa isang mamahaling restaurant. Nang makapasok siya ay agad napukaw sa kaniyang pansin ang kinaroro

  • Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)   9

    Si Fortuna muna ang naging tutor ni Vincent habang nasa bahay pa ito at patuloy na nagpapalakas. Hindi niya kinalilimutan ang gampanin bilang ina habang sa gabi ay patuloy siyang kumakayod. "Tapusin mo muna 'yan, Vincent, ha? Sandali lang at magre-ready lang ako ng foods natin," paalam ni Fortuna bago siya tumayo at nagtungo sa kusina. Habang abala sa paghahain, bigla namang nag-ring ang telepono. Sandaling tinigil ni Fortuna ang ginagawa upang sagutin ito. "Hello?" "Hello, is this the Fortuna Candelario?" "Speaking. Who's this?" "AAHHH!..." Biglang nilayo ni Fortuna ang telepono sa kaniyang tainga sa malakas na sigaw ng babae sa kabilang linya. "Fortuna! Hi! Si Cindy 'to. Naaalala mo pa ba ako?" Kunot-noong inisip ni Fortuna ang pangalan na 'yon. Marahang nanlaki ang kaniyang mga mata nang maalala niya ito. "Cindy? As in Cindy Martel?" paniniguradong tanong ni Fortuna. "Yes! OMG! Kumusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita at nagkausap. Alam mo, miss na miss ko na ang

  • Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)   8

    "Pwede ba'ng h'wag mong gamitin ang anak ko, Michael? Masyado mo kaming ginugulo. Kung sa 'kin ka may galit, ako lang ang guluhin mo," inis na inis na sabi ni Fortuna sa binata habang nasa loob sila ng isang silid. "Fortuna, hindi ko ginugulo si Vincent, at hindi ko siya ginagamit. Natural lang ang pagmamahal ko sa kaniya," sagot ni Michael habang nakatingin sa mga mata nang dalaga. "Pwes sabihin mo sa kaniya na hindi kami pwede rito. Ikaw ang gumawa ng alibi sa kaniya," sabi pa ni Fortuna. "Ang pinupunto mo ba, gusto mo 'kong magsinungaling sa bata?" tanong ni Michael. "Hindi sa gano'n—" "But you're telling me to lie to him. Fortuna, wala akong magagawa kung masaya si Vincent kapag kasama ako. Ayaw mo ba na maranasan niya ang pagmamahal ng isang tumatayong ama?" tanong pa ni Michael. Kumunot ang noo ni Fortuna at hindi nagustuhan ang sinabi nito. "Hindi ka magiging pangalawang ama ni Vincent kahit kailan," depensa agad niya kaya't natawa si Michael. "Hindi ko pinipilit ang sar

  • Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)   7

    Walang nagawa si Fortuna kundi ang pumayag sa nais ni Mickey. Kapalit ng magandang buhay, pagkikita nila ng kaniyang ina at ang muling mapasakamay niya ang negosyo ng kaniyang yumaong ama ay siya mismo ang magiging kabayaran. Labag sa kaniyang loob ang pagnanasa ni Michael para sa kaniya. Gusto niyang maiyak sa labis na kalungkutan habang abala ang binata sa paglasap sa kaniyang leeg. "Hmm...." sambit ni Michael at mas lalong dinidikit si Fortuna sa kaniyang katawan. "Ahh!..." sambit bigla ng dalaga nang itulak siya nito sa ibabaw ng kama. Masama niyang tinignan ang gawi ni Michael, habang ito ay malagkit na nakatingin sa direksyon niya. Isa-isang tinanggal ni Michael ang butones ng kaniyang suot na polo at nilantad sa dalaga ang matipuno niyang katawan. Agad niyang pinaibabawan si Fortuna upang siilin muli ng kaniyang mapusok na halik. Dahan-dahang bumigay ang katawan ni Fortuna at hinayaang damhin ang mainit na pagnanasa sa kaniya ni Michael. Pinunit din ng binata ang kaniyang s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status