Share

Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)
Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)
Penulis: Rouzan

1

Penulis: Rouzan
last update Tanggal publikasi: 2026-04-03 18:45:48

"P-Pakawalan niyo 'ko rito! W-Wala akong g-ginagawang masama!"

Dinig na dinig ni Michael ang pakiusap ng lalaki habang tinatahak niya ang daan patungo sa isang silid. Nang pagbuksan siya ng isa niyang tauhan ay bumungad sa kaniya ang lalaking nakaluhod sa sahig, duguan ang mukha at marumi rin ang katawan nito.

"S-Sir, w-wala po akong g-ginagawang masama. P-Pakawalan niyo na po ako rito..." pakikiusap ng lalaki ngunit walang naging reaksyon si Michael.

"Saan niyo siya nakita?" seryosong tanong ni Michael habang nakatingin sa nagmamakaawang lalaki.

"Sa likod ng building, sir. Nakita niya kung paano natin pinaslang yung anak ni Mercado," sagot naman ng lalaki.

"S-Sir, h-hindi naman po ako magsusumbong s-sa mga pulis, e. M-Maawa po kayo sa 'kin, sir. M-May asawa't a-anak pa po akong naghihintay sa 'kin," pakiusap muli ng lalaki.

"Sir, kapag pinakawalan natin 'yan, dehado tayo rito," bulong naman ng tauhan ni Michael sa kaniya.

Samantala ay wala pa rin'g imik ang binata.

"S-Sir..."

"Hmm... Pakawalan niyo na siya," utos ni Michael kaya't nagtaka ang kaniyang mga tauhan.

"Pero, sir—"

"Ano'ng sinabi ko?" tanong ni Michael na tila may pagbabanta sa tono ng kaniyang pananalita. Wala namang nagawa ang kaniyang mga tauhan kundi ang sundin siya.

Gumaan ang loob ng lalaki nang kalagan siya ng mga tauhan ni Michael. Halos paluhod siyang gumapang patungo rito at hinawakan ang mga hita nito.

"M-Maraming salamat po, sir. M-Maraming salamat po!" sabi ng lalaki ngunit tanging pekeng ngiti at marahang tango ang naging tugon ni Michael.

Tinapik pa nito ang balikat ng walang kalaban-laban na lalaki.

"Sige na, makakaalis ka na."

Labis ang tuwa ng lalaki nang sabihin ito ni Michael, habang ang mga tauhan ay nagtataka at inaabangan kung ano ba ang pakay ng kanilang amo.

Dahil sa tuwa ay agad na tumayo ang lalaki at lumabas ng room.

"Sir, bakit niyo siya pinatakas?" tanong ng tauhan ni Michael sa kaniya ngunit sumenyas lang ito na manahimik.

"Give me the walkie talkie," utos ni Michael kaya't inabot naman ito sa kaniya ng kaniyang tauhan. "You know what to do."

"Copy."

Matapos nito ay ibinigay ni Michael ang walkie talkie sa katabi niyang tauhan. Wala pa'ng isang minuto ay umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril.

Ang kaba at pagtataka ng karamihan ay napalitan ng gaan ng loob at kasiyahan.

"See?" tanong ni Michael sa katabi niyang tauhan na kanina lang ay hindi mapakali, ngunit ngayon ay nakangiti.

"Ang akala ko, sir, patatakasin niyo lang siya," sabi lang nito. Ngumisi naman si Michael bago ito nilagpasan.

Bago pa man siya makalabas nang tuluyan mula sa silid ay sinenyasan niya muna nang palihim ang isang tauhan na kitilan din ito ng buhay.

Nangiti naman ang armadong tauhan na 'yon.

"Goodnight," paalam ni Michael bago siya tuluyang lumabas sa silid.

Sa pagsara ng pinto ay narinig din niya ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa pinanggalingang silid.

Napangiti na may satisfaction si Michael dahil wala na ang sisira sa kaniyang reputasyon.

KINAKABAHAN at hindi alam ni Fortuna Candelario kung itutuloy pa ba niya ang kaniyang pagpunta sa condominium kung saan ay pinangakuan siya ng nakausap niyang tao na makakahingi siya ng tulong dito.

"Tss..." sambit na lamang ni Fortuna sa kaniyang sarili dahil nakarating na siya sa tapat ng building.

"Sa room po na 'to," sabi ko sa frontline nang ipakita ang room number sa may message.

"Ah, kayo po pala. Sige po, pwede na po kayong magpunta sa room na 'yan," sabi lang ng receptionist habang nakangiti nang malapad.

"U-Uhmm... S-Salamat," sagot na lang ni Fortuna bago sumakay sa elevator at tinungo ang room number.

Sa pagdating niya sa 24th floor ay hinanap niya ang mismong room number hanggang sa matapat siya sa pinto nito.

"Mukhang ito na 'yon," sabi nito sa kaniyang sarili bago kumatok nang tatlong beses.

'Di nagtagal ay nagbukas ang pinto na ito.

"Ikaw na ba si Ms. Candelario?" tanong ng isang lalaki.

"Ako nga po. Kayo po ba si—"

"Pumasok ka na at kanina ka pa hinihintay ni Sir Michael."

Natigilan na lamang si Fortuna at tumango bago siya pumasok sa loob ng condo unit. Sa kaniyang pagpasok ay lumabas naman ang lalaking 'yon at sinara ang pinto.

"S-Sir La Vierre?" tawag nito habang dahan-dahan akong naglalakad. "S-Sir, nandito na po ako."

"What took you so long?"

Halos mapatalon sa gulat si Fortuna nang marinig niya ang malalim at nakakatakot na boses ng lalaki mula sa kaniyang likuran. Nang tignan niya ito ay bumungad sa kaniya ang lalaking bagong ligo habang suot ang puting bathrobe.

Nailang pa ang dalaga dahil labas ang matipuno nitong dibdib at ang maugat nitong kamay na may tattoo.

"P-Pasensya na po, sir," nahihiyang sabi ni Fortuna dahil sa takot niya sa presensya nito. "Ano po pala yung ipapalinis ninyo? May dala na po akong gamit."

Naiilang si Fortuna habang nakatingin sa mga mata ni Michael ngunit nilalabanan niya lang ito.

"It's in my room," maikling tugon ni Michael bago niya ilahad ang kaniyang kamay—senyales na direksyon kung nasa saan ang kaniyang kwarto.

Nang tunguhin ni Fortuna ang kwarto nito ay pinagmasdan niya ang buong paligid. Hinahanap niya kung saan ang kaniyang lilinising bahagi dahil mukhang maayos naman ang mga ito.

Hindi niya napansin na sinara ni Michael ang pinto at tahimik itong ni-lock.

"Sir, alin po ba yung lilinisin dito?" tanong ni Fortuna ngunit wala siyang nakuhang sagot mula rito.

Samantala ay dahan-dahan namang naglakad si Michael sa likuran ng dalaga at hinawakan ang magkabilang balikat nito.

Sa gulat ni Fortuna ay agad niya itong nilingunan at kunot-noong tinignan.

"A-Ano pong ginagawa niyo?" may kaba sa tono ng tanong ni Fortuna.

"You came here to seek help for your child, right?" tanong naman ni Michael.

"O-Opo, p-pero hindi sa ganitong paraan. M-May dignidad po ako," pagtanggi ni Fortuna habang namumuo ang mga luha sa sulok ng kaniyang mga mata.

Ngumisi si Michael.

"Ngayon mo pa iisipin ang dignidad mo kaysa sa buhay ng anak mo?" tanong muli ni Michael.

Natahimik si Fortuna.

"Bakit? Bukod ba sa 'kin, may iba ka pa ba'ng mahihingian ng tulong?"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)   12

    Abalang abala si Fortuna sa pag-aasikaso kay Vincent upang makapasok na ito sa eskwelahan. Naka-ready na ang bata na kumakain ng almusal."Anak, basta yung mga ibinilin ko, h'wag mong kalilimutan, ha?" paalala ni Fortuna sa kaniyang unico hijo."Opo, Mommy. H'wag po kayong mag-alala, hindi ko po makakalimutan yung mga binilin po ninyo sa 'kin," tugon naman ng bata."Dalhin mo na yung isang sandwich at prutas d'yan para hindi ka magutom. Halika na, anak, baka ma-late ka pa."Umalis ang mag-ina upang maihatid na sa eskwelahan si Vincent na excited na rin'g pumasok. Matapos lamang ang ilang minuto ay nakarating na sila. Agad namang tinungo ni Fortuna ang anak sa classroom kung saan ito kabilang."Baka may kailangan ka pa, anak, ha? O baka may nakalimutan ka?" tanong ni Fortuna bilang paninigurado."Wala na po, Mommy. Okay na po ako.""Hmm... Sige, mag-iingat ka palagi, ha? Kapag may problema, h'wag kang mahihiyang magsabi sa teacher mo, okay?""Opo, Mommy."Niyakap ni Fortuna ang kaniyan

  • Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)   11

    Nagtungo si Fortuna sa kinaroroonan ng pwesto. Marahan pa'ng hinila ni Michael ang kaniyang uupuan upang makaupo nang maayos ang dalaga.Samantala, napapansin ni Michael ang titig ni Brandon sa dalaga na tila hindi makapaniwala sa gandang taglay nito."You didn't tell me na boyfriend mo pala si Mr. La Vierre, Fortuna," sabi ni Cindy na natutuwa sa nalaman, samantalang kunot-noo namang napatingin si Fortuna sa gawi ni Michael na ngayon ay nakangiti na sa gawi niya.'Boyfriend?!' gulat na gulat na tanong ni Fortuna sa kaniyang isipan."So bakit mo pala kami inimbitahan ni Cindy?" tanong ni Brandon kay Fortuna. Bakas sa expression ng mukha nito at sa tono ng pananalita na may inis."Bakit naman hindi? Cindy is my friend. Fiancé ka niya, 'di ba? So isasama ka niya," sagot naman ni Fortuna, confidently.Nang makaupo na ang lahat ay saka naman lumabas ang dalawang waiter upang hainan kami ng appetizer at drinks."Ano'ng ganap, Fortuna? You know what? Hindi ko akalain na ang nanliligaw sa 'y

  • Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)   10

    Ilang araw ang nagdaan ay tuwang tuwa si Vincent dahil pwede na siyang pumasok ng school. "Mama, saan ka po pupunta? Aalis ka rin po ba?" tanong ni Vincent sa kaniyang ina habang abala siyang inaasikaso nito. "May pupuntahan lang ako saglit. Mamaya, susunduin din kita, ha? H'wag kang aalis sa school hangga't wala ako," bilin naman ni Fortuna. Matapos ang kanilang pag-aasikaso ay nagtungo na sila sa labas kung saan ay may naghihintay ng taxi. "Mama, kailan po ba tayo babalik kay Tito Mike?" tanong ni Vincent nang makasakay silang mag-ina. "Hindi ko pa alam, e. Basta kapag hindi na siya busy, dadalaw tayo sa kaniya. Sinamahan ni Fortuna ang kaniyang anak hanggang sa maihatid na niya ito sa eskwelahan. Muli siyang sumakay sa taxi para naman magtungo sa isang restaurant kung saan ay magkikita-kita silang magkakaibigan noong high school. Sa ilang minutong pagbyahe ay nakarating na siya sa isang mamahaling restaurant. Nang makapasok siya ay agad napukaw sa kaniyang pansin ang kinaroro

  • Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)   9

    Si Fortuna muna ang naging tutor ni Vincent habang nasa bahay pa ito at patuloy na nagpapalakas. Hindi niya kinalilimutan ang gampanin bilang ina habang sa gabi ay patuloy siyang kumakayod. "Tapusin mo muna 'yan, Vincent, ha? Sandali lang at magre-ready lang ako ng foods natin," paalam ni Fortuna bago siya tumayo at nagtungo sa kusina. Habang abala sa paghahain, bigla namang nag-ring ang telepono. Sandaling tinigil ni Fortuna ang ginagawa upang sagutin ito. "Hello?" "Hello, is this the Fortuna Candelario?" "Speaking. Who's this?" "AAHHH!..." Biglang nilayo ni Fortuna ang telepono sa kaniyang tainga sa malakas na sigaw ng babae sa kabilang linya. "Fortuna! Hi! Si Cindy 'to. Naaalala mo pa ba ako?" Kunot-noong inisip ni Fortuna ang pangalan na 'yon. Marahang nanlaki ang kaniyang mga mata nang maalala niya ito. "Cindy? As in Cindy Martel?" paniniguradong tanong ni Fortuna. "Yes! OMG! Kumusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita at nagkausap. Alam mo, miss na miss ko na ang

  • Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)   8

    "Pwede ba'ng h'wag mong gamitin ang anak ko, Michael? Masyado mo kaming ginugulo. Kung sa 'kin ka may galit, ako lang ang guluhin mo," inis na inis na sabi ni Fortuna sa binata habang nasa loob sila ng isang silid. "Fortuna, hindi ko ginugulo si Vincent, at hindi ko siya ginagamit. Natural lang ang pagmamahal ko sa kaniya," sagot ni Michael habang nakatingin sa mga mata nang dalaga. "Pwes sabihin mo sa kaniya na hindi kami pwede rito. Ikaw ang gumawa ng alibi sa kaniya," sabi pa ni Fortuna. "Ang pinupunto mo ba, gusto mo 'kong magsinungaling sa bata?" tanong ni Michael. "Hindi sa gano'n—" "But you're telling me to lie to him. Fortuna, wala akong magagawa kung masaya si Vincent kapag kasama ako. Ayaw mo ba na maranasan niya ang pagmamahal ng isang tumatayong ama?" tanong pa ni Michael. Kumunot ang noo ni Fortuna at hindi nagustuhan ang sinabi nito. "Hindi ka magiging pangalawang ama ni Vincent kahit kailan," depensa agad niya kaya't natawa si Michael. "Hindi ko pinipilit ang sar

  • Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)   7

    Walang nagawa si Fortuna kundi ang pumayag sa nais ni Mickey. Kapalit ng magandang buhay, pagkikita nila ng kaniyang ina at ang muling mapasakamay niya ang negosyo ng kaniyang yumaong ama ay siya mismo ang magiging kabayaran. Labag sa kaniyang loob ang pagnanasa ni Michael para sa kaniya. Gusto niyang maiyak sa labis na kalungkutan habang abala ang binata sa paglasap sa kaniyang leeg. "Hmm...." sambit ni Michael at mas lalong dinidikit si Fortuna sa kaniyang katawan. "Ahh!..." sambit bigla ng dalaga nang itulak siya nito sa ibabaw ng kama. Masama niyang tinignan ang gawi ni Michael, habang ito ay malagkit na nakatingin sa direksyon niya. Isa-isang tinanggal ni Michael ang butones ng kaniyang suot na polo at nilantad sa dalaga ang matipuno niyang katawan. Agad niyang pinaibabawan si Fortuna upang siilin muli ng kaniyang mapusok na halik. Dahan-dahang bumigay ang katawan ni Fortuna at hinayaang damhin ang mainit na pagnanasa sa kaniya ni Michael. Pinunit din ng binata ang kaniyang s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status