"After lunch ang meeting...but they are not sure, dahil if early pa baka lunch meeting na lang. Kaya hindi ako pumapayag dahil it is better na tumungo tayo sa meeting place as early as possible." Mahabang paliwanag ni Carlo. "Ah, kaya pala. Okey po, sir. I understand po, sir." Sa huli ay tumango si Sheena. Pagkatapos noon, napaisip siya. Hanggang imagination niya lang pala na magseselos si Carlo. Well, sino ba siya para magselos talaga si Carlo? Sa tingin niya, mas mahalaga pa rito si Missy. Childhood friend nito si Missy. Maganda, elegante at confident. Katulad ni Carlo, may magandang posisyon ito sa Sanchez Media Company. Mas kilala pa nito ang boss niya kaysa sa kanya. Close si Missy at Carlo. Kaya ang ipinagtataka niya, bakit tinanggihan nito ang alok ni Missy na dinner invitation? Baka nagkataon lang. Baka busy lang talaga ang boss niya. Hindi naman siguro dahil sa kanya. Pinilit niyang alisin sa isip ang bagay na iyon. Maaga ngang dumating sina Carlo at Sheena sa re
Read more