Share

chapter 14

last update Petsa ng paglalathala: 2026-04-09 07:05:02

"Dad, nagabihan ka na?" tanong ni Sheena.

"Oo nga, eh. Matrapik kasi, anak, at isa pa may tinapos akong trabaho sa opisina," sagot ni Ricardo at hinila ang upuan na nakatabi sa mesa para umupo at sumabay sa mag-ina sa kanilang hapunan. Kahit nakakain na siya kasama si Antonette ay naisipan niyang sumabay sa hapunan para hindi maghinala ang mga ito.

"Pasensiya na kayo, ngayon lang ako nakarating," dagdag pa nito.

"Parang ilang beses na yatang nangyari ’to, na nagabihan ka sa pag-uwi?" ta
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    chapter 17

    Nang marinig ni Madel ang asawa na kausap sa cellphone tungkol sa kahina-hinalang mga bagay ay hindi maiwasan ni Madel na maghinala. Habang maingat siyang bumalik sa kanilang kwarto ay natanong niya sa kanyang sarili.“Totoo nga ba ang dati kong hinala na may ibang babae si Ricardo?” aniya sa kanyang isipan at muling pumasok sa silid. Maya-maya ay nakita niyang pumasok ang asawa.Nagmamadaling nagbihis si Ricardo na para bang may mahalaga itong pupuntahan. Nang lumabas si Ricardo sa kanilang bahay dala ang kotse nito ay sekretong sinundan siya ni Madel. Mayroon din sariling kotse si Madel at sariling driver na si Mang Alfonso, nasa fifty-nine ang edad. Agad na inutusan ni Madel si Mang Alfonso na sundan ang sasakyan ni Ricardo kaya agad namang sumunod ang driver. Inis ang nararamdaman ni Madel habang tutok ang tingin sa kotseng sinusundan. Nakita niyang huminto ang kotse ni Ricardo sa isang flower shop. Nang makita niya si Ricardo na bumaba mula sa kotse nito ay lumapit ito

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    chapter 16

    Pagkatapos nilang kumain ay hinatid nila si Antonette sa bahay saka tumungo sa plaza port dahil nag-request si Sheena kay Homer na gusto niyang mamasyal doon. Pinaunlakan naman siya ng lalaki, kasalukuyan silang nakatayo sa port at nakatingin si Sheena sa malapad na karagatan, habang si Homer naman ay tinatanaw ang mga nag-uumpukan na mga bituin sa langit. Tulad nila ay marami rin ang mga namamasyal doon, usually ay mga magnobyo na nagdi-date. Pero ang sabi ni Homer ay parang friendship date na lang daw iyon dahil magkaibigan naman sila, napangiti na lang si Sheena sa sinabi ng lalaki. Nasa dulo sila ng port, medyo malayo sa maraming tao na nakaupo doon sa port. Meron kasing mahabang semento na upuan doon. “Pwede naman seguro lover’s date…’’mahinang sabi ni Sheena habang nakangiti at deep inside ay kinikilig.“Ano ang sabi mo?” Tanong ni Homer na nagkunwari pang hindi narinig ang sinabi ni Sheena, pero ang totoo ay malinaw niyang narinig iyon. Kaya saglit itong lihim na nap

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    chapter 15

    Napansin ni Antonette na nakatitig si Sheena sa suot niyang kwintas. Hinawakan niya ang heart pendant niyon."Binigay sa akin ni Tito Albert kahapon, ang kapatid ng nanay ko na umuwi galing sa Los Angeles. Maganda ba, 'bes? Bagay ba sa akin?" Tanong ni Antonette kay Sheena na biglang bumilis ang pintig ng puso dahil kinabahan. Mabuti na lamang ay mabilis siyang nakahanap ng dahilan tungkol sa kwintas na iyon."Ganun ba, bes? Oo, bagay sa'yo… maganda ang kwintas mo, bes." Sagot ni Sheena na agad namang pinaniwalaan ang sinabi ng kaibigan. Kinalimutan niya na lamang ang tungkol sa kwintas na pamilyar sa kanya.Nang malapit na mag twelve forty-five ng tanghali na iyon ay magkasama silang tumungo sa silid ng next subject nila dahil magkaklase sila sa subject na iyon.Habang naglalakad sila at malapit na sa kanilang silid ay nakasalubong si Mike, kasama ang dalawang kabarkada nito na sina Ronnie at Argie.Biglang kinabahan si Antonette ng lihim. Naalala niya kahapon nang makita si Mike sa

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    chapter 14

    "Dad, nagabihan ka na?" tanong ni Sheena. "Oo nga, eh. Matrapik kasi, anak, at isa pa may tinapos akong trabaho sa opisina," sagot ni Ricardo at hinila ang upuan na nakatabi sa mesa para umupo at sumabay sa mag-ina sa kanilang hapunan. Kahit nakakain na siya kasama si Antonette ay naisipan niyang sumabay sa hapunan para hindi maghinala ang mga ito. "Pasensiya na kayo, ngayon lang ako nakarating," dagdag pa nito. "Parang ilang beses na yatang nangyari ’to, na nagabihan ka sa pag-uwi?" tanong ni Madel sa asawa na nakaupo na at kasalukuyang naglalagay ng pagkain sa kanyang plato. "Hindi ko naman kontrolado ang traffic at daloy ng trabaho lalo na kung malapit na ang end of the month, Madel," sagot ni Ricardo sa asawa. Kahit na naramdaman ang inis sa boses ng asawa sa pamamaraan ng pagtanong nito ay nanatili siyang mahinahon. Hindi sumagot si Madel. Nanatili siyang tahimik kahit nagngingitngit ang kalooban. Malaki ang paniniwala niya na may ginagawang kalokohan ang kanyang asaw

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    chapter 13

    Nang sumunod na araw, nasa school canteen sina Sheena at Antonette.Tahimik na kumakain si Sheena ng lasagna na binili niya sa canteen. Paminsan-minsan, napapangiwi siya sa init nito, pero tuloy pa rin sa pagkain.Sa kabilang banda, si Antonette—hawak ang kanyang cellphone.Isang mensahe ang bumungad sa screen niya.“Pwede ba tayong magkita mamaya? After ng klase mo. May ibibigay ako sa’yo.”Parang biglang huminto ang mundo niya sa sandaling iyon.Hindi niya inaasahan ang text na iyon.Hindi ngayon.Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin kay Sheena—abala pa rin sa pagkain, walang kamalay-malay sa kung anong kaguluhan ang unti-unting bumabalot sa isip niya.Saglit siyang napalunok.At bago pa siya makapag-isip ng mabuti.“Sige.”Iyon ang na-reply niya.Isang simpleng salita.Pero isang desisyong hindi na niya kayang bawiin.“Mukhang na-busy ka yata, bes?” biglang tanong ni Sheena, sabay sulyap sa kanya. “Siguro importante ‘yan, no?”Napatingin si Antonette sa kanya.Ganito talaga sila—

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    chapter 12

    Napaupo si Sheena sa kama.Pakiramdam niya ay parang biglang nanghihina ang kanyang mga tuhod, na para bang anumang oras ay bibigay ang kanyang katawan. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito kabigat ang pakiramdam niya, gayong wala naman siyang ginawang nakakapagod.Ang dibdib niya’y tila pinipiga ng kung anong hindi maipaliwanag na emosyon.At ang isip niya—paulit-ulit na bumabalik sa isang bagay na pilit niyang tinatanggihan.Walang Homer Alejandrino sa totoong buhay.Iyon ang katotohanang sinusubukan niyang yakapin.Iyon ang katotohanang pilit niyang ipinapasok sa sarili niya.Ngunit bakit parang hindi niya kayang paniwalaan?Napapikit siya ng mariin, na para bang sa simpleng pagdikit ng kanyang mga mata ay mawawala ang lahat ng alaala.Ngunit kabaligtaran ang nangyari.Mas luminaw.Mas naging totoo.Napagtanto niya ang lahat ng nakalipas—ang gabing iyon na parang magkasama sila sa parehong kwarto, ang paraan ng pakikipag-usap nito sa kanya, ang mga simpleng asaran nila, at ma

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    chapter 7

    Hanggang sa mga sandaling iyon, patuloy na gumugulo sa isipan ni Sheena ang lahat ng sinabi ni Ellen. Pero ngayon… Hindi na lang ito basta kwento. May mas malalim pang dahilan. At kung tama ang nararamdaman niya… May koneksyon ang lahat. Si Ruby. Si Carlo. At si Homer Alejandrino. At ang na

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    chapter 11

    Nang gumising siya kinabukasan ay ini-expect na niyang hindi na ulit masilayan ang gwapong mukha ni Homer, naalala niya ang mga nangyari kagabi.Alam niyang hindi naman talaga totoo iyon, hindi iyon nangyari sa totoong buhay. Walang Homer Alejendrino na nakasama niyang natulog sa kanyang kwarto. Hi

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    chapter 10

    Nanigas si Sheena sa kinatatayuan niya habang nakatitig sa lalaking nasa harap niya.Nandoon pa rin ito at hndi nawala.Ilang beses siyang kumurap, sunod-sunod.Pero wala.Nandoon pa rin ito.At doon niya tuluyang na-realize.Nakabalot lang siya ng tuwalya.Biglang uminit ang mukha niya—mula pisng

  • My Dream Lover, Came Back As My Boss    Chapter 8

    "You are the most gorgeous girl I've ever seen in my whole life." Hindi makapaniwala si Sheena habang kaharap ang the most influential person in media and business world. Ang Half-Filipino at Half-Spanish na Model-Businessman na si Homer Alejandrino, sikat at super gwapo; hot, hunky, at very rich

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status