로그인“Alam kong mahal mo pa rin ako, Evie! Ang uncle ko... hindi ka magiging masaya sa piling niya! If I’m a jerk, then I know he’s far worse than me!” malakas niyang sigaw, isang desperadong babala na pilit humahabol sa bawat hakbang ko.“Pwede ba, Rafael...” Nilingon ko siya.“Stop calling me, Evie,” saad ko, mabigat ang bawat bigkas.Evie ang tawag niya sa akin noong mga bata pa kami. Malapit kaming magkaibigan noon. Siya ang nag-iisang kaibigan ko noon, ang itinuring kong kakampi, ang nagsilbing liwanag sa madilim kong mundo. Siya lang ang nakakausap ko noon, isang lihim na pagkakaibigan kung saan lihim kaming nagkikita at lihim na naglalaro sa likod ng bahay.“Noong itinuring mo akong kaaway... tumigil ka na rin sa pagtawag sa akin ng Evie. Tapos ngayon gagamitin mo ulit ang pangalan na iyan. Para saan, Rafael?” bahagyang tumaas ang tono ng aking tinig.“Para ipaalala mo sa akin kung gaano mo kadaling kinalimutan ang pagiging malapit natin noong naging close kayo ni Violet?” tuloy ko
“You!!” sigaw niya, muling umalingawngaw sa loob ng store ang matinis na boses ni Violet.Hinarap ko siya at bahagyang napaarko ang isa kong kilay.“Hindi bagay sa isang katulong ang dalawang mamahaling bag na iyan, Evorie. Kahit nadamitan ka pa ng mamahalin at nakaayos ang mukha mo, hindi mo pa rin maitatago ang katotohanang isa ka lang hamak na utusan!” pahiyaw niyang saad, halos mawalan na ng kontrol.Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa bago ko ibinalik ang aking pansin kay Rafael.“Control your mistress, Rafael. Nakakahiya siya,” malamig kong wika bago ako tumalikod at inaya ang mga kasama ko na umalis.Kahit nasa labas na kami ng store, naririnig ko pa rin ang pagwawala ni Violet sa loob. Inaaway niya si Rafael, pati na rin ang mga customer na napagbubuntunan niya ng galit.“Sino ngayon ang praning sa atin, Violet?” may pagngising bulong ko habang tuluyan akong nagpatuloy sa paglalakad.---“Evie!” isang malakas na tawag ang nagpahinto sa aming paglalakad.Nilingo
Evorie EvePalihim akong napangiti habang pasimpleng tinatapunan ng tingin si Rafael. Nakaiwas ang kanyang mga mata at hindi niya magawang salubungin ang aking paningin.Ganyan nga, Rafael. Matuto kang mahiya. Pero itong si Violet… sadyang walang hiya. Nakatayo pa rin siya roon na may kapal ang mukha.“Ma’am, kulang po. Kahit isang bag lang ang kunin ninyo, hindi niyo pa rin po mababayaran nang buo,” wika ng cashier, halata na ang pagkairita sa kanyang boses.Masyado nang tumatagal ang paying transaction sa counter, at ang ibang elitistang customer ay nagsisimula nang mainip habang naghihintay.“Paki-ulit mo. Madami ang laman niyan!” taas-kilay na saad ni Violet, matinis at puno ng pagmamaldita ang kanyang boses.Muli niyang itinulak ang kanyang card, pilit na itinatago ang kaba na baka tuluyan na siyang mapahiya sa gitna ng luxury store na ito.Tiningnan ko ang aking mga kuko na para bang wala akong pakialam, pinagmamasdan ang ganda ng aking bagong manicure. Pagkatapos ay marahan ako
“Ayaw kong pakawalan ang mga bag na ito. Masakit ang ulo ko kaya kailangan ko ng bagong gamit para gumaan ang pakiramdam ko!” giit pa niya.“Ako na ang magbabayad.”Isang pamilyar na tinig ang bumasag sa aming pagtatalo, dahilan para sabay kaming mapalingon ni Violet.Napasinghap ako at tuluyang natigilan. Mula sa kanyang magandang mukha na lalong pinatingkad ng tamang timpla ng makeup, hanggang sa maayos na pagkaka-style ng kanyang buhok, ay tila isang ibang tao ang nasa harap ko.Napansin ko ang suot niyang mamahaling diamond stud earrings na kumikinang sa ilalim ng mga ilaw ng boutique. May suot din siyang limited edition na kwintas na bumagay nang husto sa kanyang porselanang balat.Dahan-dahan kong ibinaba ang aking paningin sa suot niyang dress na hapit na hapit sa kanyang makurbang katawan, hanggang sa tuluyang sumayad ang aking tingin sa kanyang mga sapatos.Iyon ang sapatos na pinag-awayan namin ni Violet noon. Iyon ang gusto niyang iregalo ko sa kanya noong anniversary namin
“Ayaw mo akong makitang umiiyak?!” singhal niya sa akin.“Eh, hinayaan mo nga akong mapahiya sa harapan ni Evorie kanina! Hinayaan mo akong umiyak at magmukhang tanga sa harap nilang dalawa! Tapos kanina… anong ginawa mo? Sinakal mo pa ako, hayop ka!” asik niya, sunod-sunod na pinagpapalo ang balikat ko.Napahimas na lamang ako sa aking braso na ginawa kong panangga sa kanyang mga palo at sampal.“Sorry na nga. Hindi ako nakapagpigil sa galit ko dahil naiinis na ako sa mga sinasabi ni Evorie at ni Uncle Ydrael. Hindi lang naman ikaw ang napahiya, pati na rin ako. Pareho tayong naging katatawanan sa harap nila. Sorry na, baby ko,” pang-aamo ko sa kanya.“Hindi sapat ang sorry mo sa lahat ng kahihiyang dinanas ko!” asik niya muli bago siya napahalukipkip at tumingin sa labas ng bintana.Nagpakawala ako ng isang mabigat na buntong-hininga.Alam ko na kung anong paraan ang magpapasaya sa kanya kapag ganito ang kanyang mood.“Anong brand ng bag ang gusto mo? Dumaan tayo sa mall at doon ka
RafaelNakatitig pa rin ako sa hawak kong folder habang nakaupo sa loob ng kotse ko, matiyagang naghihintay sa labas ng isang luxury boutique para kay Violet. Dumaan kami rito dahil may kailangan daw siyang bilhin na hindi na maaaring ipagpaliban.Napatingala ako saglit at napahilot sa aking batok. Hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang kakaibang bigat sa dibdib ko, na para bang may mabigat na bagay na nakadagan doon. Hindi ko akalain na magagawa ni Evorie na isampal sa akin ang diborsiyo. Mas masakit pa, nagawa pa niyang makahanap ng kakampi sa katauhan ni Uncle Ydrael.Paano niya kaya nakumbinsi nang ganoon kadali ang bugnuting bulag na iyon?Makailang ulit akong napailing habang pilit na inaalis sa isip ang imahe ng kanyang matapang na mukha kanina. Alam kong mahal pa rin ako ni Evorie. Baliw sa akin ang babaeng iyon simula pa noong mga bata pa lamang kami.Mahilig siyang magpapansin sa akin noon, kaya naniniwala akong bahagi lamang ito ng marumi niyang laro upang muli kong maibalin
Ydrael Alistair“Hawakan mo ito, hijo,” sabay abot niya sa akin ng isang kapirasong tela na tila ba gawa sa pinakamahal na cotton.“Para kanino ito, Grandma?” usisa ko habang dinadama ang lambot niyon sa aking mga daliri. Kahit hindi ko nakikita, ramdam ko sa laki at disenyo na damit ito para sa is
Ydrael AlistairNarinig ko ang marahang paglapat ng pinto ng master bedroom. Sa bawat pag-tap ng gamit kong baston sa marble floor, unti-unting nagbago ang ihip ng hangin sa paligid ko.Mula sa malambot kong mukha na ipinakita ko kay Evorie, bumalik ang nakasanayan kong eksemosyon: malamig, matalim
Kapwa kami napahinto sa mainit na sagupaan ng aming mga dila nang bigla na lamang bumukas ang pinto, kaya kaagad kong binawi ang aking sarili.Pumasok ang dalawang babaeng nakasuot ng corporate office attire. Balak ko sanang tumayo mula sa kandungan ni Alistair dahil sa hiya, pero hindi niya ako hi
Nang tuluyan silang makaalis, doon ko naramdaman ang matinding panghihina. Hindi ko napigilan ang mapatingala at makailang ulit na magpakawala ng mabibigat na buntong-hininga, tila ba doon lamang tuluyang nakawala ang hangin na matagal kong ikinulong sa aking dibdib habang kaharap ang mga taksil.N







