MasukHindi ako maniniwala sa pagmamakaawa niya. He is a narcissist like Violet. Tingnan mo naman kung paano niya sisihin ang kapatid ko.
Si Violet lamang ang kaniyang itinuturo samantalang dapat ay isama niya rin ang kaniyang sarili. What a fvcking narcissist. Nagmamakaawa siya sa akin ngayon sa pag-aakala niyang mauuto pa niya ako. “No, Rafael. Hindi ko susundin ang gusto mo,” tanggi ko na walang kahit anong bakas ng pag-aalinlangan sa boses ko. Napasinghap siya at sHindi ako maniniwala sa pagmamakaawa niya. He is a narcissist like Violet. Tingnan mo naman kung paano niya sisihin ang kapatid ko. Si Violet lamang ang kaniyang itinuturo samantalang dapat ay isama niya rin ang kaniyang sarili. What a fvcking narcissist. Nagmamakaawa siya sa akin ngayon sa pag-aakala niyang mauuto pa niya ako. “No, Rafael. Hindi ko susundin ang gusto mo,” tanggi ko na walang kahit anong bakas ng pag-aalinlangan sa boses ko. Napasinghap siya at sandaling natigil sa paghikbi habang nananatiling nakaluhod sa semento. “When I decided to file for a divorce, I had no hesitation to do it. When I asked your uncle to marry me and he said yes, I knew there was no turning back. Kaya huwag ka nang magmakaawa pa sa akin, Rafael, dahil hindi mo ako makukumbinsi kahit lumuha ka pa ng dugo sa harapan ko.” “Kahit maglakad ka pa mula rito hanggang sa marangyang tahanang tinitirhan ko nang nakaluhod, hinding-hindi mo na maku
Agad na hinanap ng aking paningin ang kasama kong mga bodyguard at nang makitang nasa gilid-gilid lamang sila, tahimik na nagbabantay, ay bahagyang nabawasan ang kaba ko. “Sa hitsura niya parang gusto ka niyang kausapin,” wika ni Brittany habang nakatutok pa rin ang kaniyang paningin kay Rafael. “Halatang stressed na ang ex-husband mo. Tingnan mo nga ang itsura, gulong-gulo ang buhok, halatang pagod, at tila wala pang tulog,” tuloy pa niya. Nakaramdam ako ng bahagyang pagkaawa sa kalagayan niya. Bakas ang gusot sa suot niyang damit at ang kaniyang mga mata ay puno ng lumbay habang nakatitig sa akin mula sa labas. Napatayo na ako mula sa kinauupuan ko. “Kakausapin ko lang siya,” ani ko. “Sige. Magpasama ka sa bodyguard mo. Baka ano pang gawin sa iyo ng taong iyan dahil mukhang wala siya sa sarili,” pahabol niya. Malimit akong napangiti sa kaniya at marahan na napatango bilang pagsang-ayon. Nakasunod sa aki
Evorie Eve “Grabe naman ang mga singsing mo, babe. Sadyang nakakasilaw,” wika ni Brittany nang mapansin ang dalawang mamahaling alahas na nakasuot sa aking mga daliri. Pagkatapos ay marahan siyang sumimsim ng juice na gawa sa dragon fruit at lychee essence na in-order namin rito sa expensive juice bar na kinaroroonan namin. Napangiti naman ako at hinawakan ang kumikinang kong engagement ring na may ten-carat cushion-cut diamond. Sa kabilang kamay ko naman ay magarang nakasuot ang blue diamond ring na isinuot sa akin ng lola ni Alistair kaninang umaga lamang bilang simbolo na ako na ang itinalagang susunod na Matriarch ng Vanderbilt Clan kapag namayapa na siya. Ayaw ko pa nga sanang tanggapin ang singsing na ito dahil alam ko ang bigat ng katungkulan ng isang Matriarch. Kapag nalaman ng iba pang mga Vanderbilt ang naging desisyon ni Sarah ay siguradong magiging mainit ako sa kanilang mga mata. “So, tuloy na tuloy na nga ang kasal mo sa isang gwapong bilyonaryo?” tanong ni Brit, hind
Evorie Eve“Mayroon pala akong ibibigay sa iyo,” aniya sa isang malalim na tinig habang may kinukuha sa bulsa ng kaniyang suot na Armani coat. Isang manipis at eleganteng kahon ang inilabas niya.“Baka mamahaling alahas na naman ito, Ali. Niregaluhan mo pa lang ako kahapon,” agad na puna ko, pero hindi ko maikakaila ang kuryosidad na nararamdaman ko. Napangiti naman siya nang matamis sa akin.“Buksan mo para malaman mo kung alahas nga ba iyan o hindi.”Marahan kong tinanggal ang pulang tali at maingat na binuksan ang kahon. Agad akong napatingin sa kaniya nang tumambad sa akin ang nilalaman niyon, habang muling sumisilay ang pilyong ngiti sa kaniyang mga labi.“Nagustuhan mo?” Napatango ako habang dinadama ang pinong tela ng itim na lace thigh-high stockings na ibinigay niya sa akin. Sadyang napakakinis niyon sa balat kapag isinuot. Napatayo siya at agad na kinuha ang stockings mula sa kamay ko.“Isuot mo para malaman natin kung maganda ba,” wika niya bago dahan-dahang lumuhod sa har
Evorie EvePagdating namin sa tapat ng powder room, rinig na rinig ang malalakas na sigawan mula sa loob. Nang buksan ng mga bodyguard ang pinto, tumambad sa amin ang isang eksenang hindi ko inasahan.Si Hanna, na laging prim and proper, ay nakasampa kay Violet na nakahiga na sa sahig habang hinihila ang buhok nito nang buong pwersa. Si Violet naman ay hindi nagpapatalo, pilit niyang kinakalmot ang mukha ni Hanna para makawala. Nakatayo naman sa gilid si Rita na tila hindi malaman kung sino ang aawatin niya.“Stop it! You're making a scene!” sigaw na lang ni Rita, pero hindi siya pinapansin ng dalawa. Sadyang mabigat ang dahilan ng matinding away ng dalawang babae at wala silang pakialam kung sino ang nakakakita. Ilang minuto namin silang pinanood kasama ang iba pang panauhin na nakikiusyoso na rin sa sitwasyon.Napapahiyaw si Hanna noong siya naman ang napunta sa ilalim. Paulit-ulit siyang sinasampal ni Violet na may matinding gigil at
Violet“Palpak ang ginawa mo, Violet,” may diin na saad ni Hanna sa akin nang maabutan niya ako sa powder room na tahimik na nagreretouch. Isang matalim na tingin naman ang itinapon ko sa kaniya habang nakatutok ang mga mata ko sa salamin. Hindi ko mapigilan ang gilid ng aking labi na umangat dahil sa inis. Nananahimik ako rito tapos bigla na lang siyang susulpot para mas lalong dagdagan ang pagkayamot ko.“Hindi ba sabi ko sa'yo na huwag mo akong kakausapin kung naririto tayo sa Vanderbilt Mansion? Baka may makakita sa ating dalawa at isipin pa ng ibang tao na magkakampi tayo,” may talim na pagkakasabi ko pagkaharap ko sa kaniya. Taas-noo niya akong nilapitan at ang hitsura niya ay tila isang santang nawalan ng pasensya.“Paanong hindi? Sabi mo sa akin ay kaya mo siyang ilampaso at ipahiya sa harapan ng mga tao pero palpak ka,” sabay turo niya sa dibdib ko. “Hanggang yabang lang ang alam mo. Wala ka talagang binatbat laban sa kapatid mo,” dagdag niya. At ang ulo ko naman ang itinur







