Excited na akong pumasok sa opisina.Isang linggo rin akong nawala roon, at kahit papaano, nami-miss ko ang routine ko—ang ingay ng mga empleyado, ang amoy ng kape sa umaga, at ang pakiramdam na muli akong bumabalik sa normal na buhay.Maaga akong umalis ng bahay, gaya ng nakagawian. Tahimik pa ang paligid, at ang hangin sa umaga ay may bahid ng lamig. Habang nagmamaneho ako ng aking sasakyan, hindi ko maiwasang mapangiti.Pakiramdam ko… maayos na ulit ang lahat.Ngunit hindi ko inaasahan na sa araw ding iyon, may makikita akong eksenang bahagyang sisira sa magandang simula ng umaga ko.Sa isang intersection, napansin ko ang pamilyar na sasakyan sa unahan.Si Jeremiah.Bahagya akong napabagal ng takbo, sapat lang para hindi ako mapansin. Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang kutob ang gumapang sa dibdib ko.At hindi nga ako nagkamali.May isang babaeng pumara sa sasakyan niya.Naka-corporate attire siya—maayos ang ayos, elegante ang tindig, at halatang pinaghandaan ang araw na
Terakhir Diperbarui : 2026-05-06 Baca selengkapnya