Iniabot sa akin ni Lolo George ang isang kahong gawa sa kahoy. Agad kong napansin ang kakaibang disenyo nito—mga ukit na tila may kwento, bawat guhit ay parang may pinanggalingang panahon. Mukha itong antigong-antigo, pero lalo itong gumaganda habang tinititigan.Kasunod noon, iniabot din niya sa akin ang isang maliit na susi. Lumang-luma na rin, may bahid ng kalawang ngunit halatang matibay pa rin.“Kapag niloko ka ng apo ko,” seryoso niyang sabi, habang nakatingin diretso sa mga mata ko, “pumunta ka lang sa akin. Ako mismo ang bubugbog sa kanya.”Hindi ko napigilang mapangiti. May kakaibang init sa paraan ng pananalita niya—parang biro, pero may halong paninindigan.“Grabe naman po kayo, Lolo,” natatawa kong sagot, pero sa loob ko, may konting kilig. Hindi ko inaasahan na ganoon niya ako kadaling tatanggapin.Ilang oras na rin kaming nagkukwentuhan noon. Kung anu-ano na ang napag-usapan namin—mula sa kabataan niya, hanggang sa mga kalokohan daw ni Jeremiah noon. At sa kalagitnaan ng
Terakhir Diperbarui : 2026-05-02 Baca selengkapnya