POV: JansenPalakad lakad ako sa loob ng study room ko habang mariing hinihila ang aking kurbata.Naiinis na ako.Ang bahay na ito, si Chantal ang bumili para sa pamilya ko. Halos lahat ng nandito, pera niya ang ginamit. Kaya paano niya nasisikmurang iwan ako nang ganoon na lang?At higit sa lahat…Sino ang kumuha sa kanya sa ospital?Hanggang ngayon, wala pa rin akong sagot.Parang may humaharang sa bawat galaw ko. Maliit lang naman ang mundong ginagalawan namin, pero ni anino niya, hindi ko makita.Ibig sabihin, may taong makapangyarihan na nagtatago sa kanya.At hindi ko gusto iyon.Humigpit ang hawak ko sa mesa.Hindi maaaring maagaw si Chantal sa akin.Akin siya.Matagal ko nang plano ang buhay namin. Kasal, negosyo, pamilya—lahat iyon kasama siya. Kaya bakit bigla na lang siyang nagbago?Simula nang mawala siya, sunod sunod na ring umatras ang investors sa kumpanya.Noong una, akala ko normal lang. Pero habang tumatagal, mas lalo kong naiintindihan kung gaano kalaki ang epekto n
آخر تحديث : 2026-05-08 اقرأ المزيد