“IKUKUWENTO mo na ba sa akin ang lahat?” mahina kong tanong kay Jeremiah habang magkatabi kaming nakahiga sa kama, balot ng makapal na kumot ang aming mga katawan. Tahimik ang paligid, at tanging mahinang tunog lamang ng aircon ang maririnig sa buong silid. Ngunit kahit ganoon, tila mas malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko.Kanina pa umiikot sa isip ko ang tanong na iyon.Hindi ko maipaliwanag, ngunit sa bawat titig niya sa akin, sa bawat haplos ng kanyang kamay, pakiramdam ko ay matagal na kaming magkakilala. Parang may bahagi ng buhay ko na matagal nang konektado sa kanya, kahit hindi ko maalala kung kailan nagsimula.Huminga siya nang malalim bago marahang hinaplos ang buhok ko. Nakatingin siya sa kisame habang tila binabalikan ang isang alaala.“Naaksidente ako sampung taon na ang nakakaraan,” mababa niyang saad.Napatingin ako sa kanya nang seryoso.“Yung sasakyang sinasakyan ko, tumaob sa gitna ng kalsada. Basag ang salamin, duguan ako, at hindi na makagalaw nang maayos.”Sagli
آخر تحديث : 2026-05-10 اقرأ المزيد