“Ikaw…” gigil niyang sambit habang nanginginig ang labi sa galit, ngunit bago pa man siya tuluyang makapagsalita ay agad ko na siyang pinutol.“Ooops… huwag mong ipahalatang apektado ka,” mapanukso kong sabi habang dahan-dahang sinusuri ang mukha niya. “Tingnan mo nga naman, kakagawa pa lang ng ilong mo, parang bumubuka na ulit kapag nagagalit ka. Mukhang masisira na naman ang ilong mo ah.”Napahawak siya agad sa sariling mukha na tila ba natakot na baka totoo ang sinabi ko.Hindi ko napigilang mapangiti. Nakakatawa siyag tingnan, nagpapanic ang kanyang mukha.“Hindi ka pa rin ba nadadala sa pakikipag-away sa akin?” dagdag ko habang itinataas ko ang isang kilay. “Mukhang magaling na yata ‘yung peklat mo sa pisngi ah. Gusto mo bang lagyan ko naman ‘yung kabila para pantay? Para naman madala ka na.”Biglang namutla ang mukha niya.Sa isang iglap, tila bumalik sa alaala niya ang nangyari noon.“Chantal,” madiin niyang sambit habang mariing nakatitig sa akin, “naunahan mo lang ako noong a
آخر تحديث : 2026-05-13 اقرأ المزيد