“Inagaw mo na nga, ngayon natatakot ka namang maagawan,” natatawa kong sabi habang nakahalukipkip. “Iba ka rin talaga, Veronica… takot ka sa sarili mong multo.”“Manahimik ka!”Halos umalingawngaw sa buong venue ang sigaw niya dahilan upang mapalingon muli sa amin ang maraming bisita.Napatingin ako sa paligid bago marahang napailing.“Tsk…” mapanukso kong saad. “Ang kalawanging bakal, balutin mo man ng ginto, kalawang pa rin ang nasa loob. Money can’t buy class talaga.”Lalong sumama ang mukha niya. Halos mangulubot ang buo niyang mukha.“Bakit ka ba nagpunta rito?” madiin niyang tanong. "Hindi ka naman inimbitahan dito!"Bahagya akong ngumisi bago inikot ang tingin sa engrandeng bulwagan. Huh.. Hindi alam ng Veronica na ito, na inihanda para sa asawa ko ang party na ito.“Katulad ng ginawa mo,” sagot ko. “Para ipahiya ang sarili ko.”Pagkatapos ay kunwari’y napaisip ako bago nakangising muling nagsalita.“Mayaman kasi ang sugar daddy ko, eh. Kaya nakapasok ako dito. Inggit ka ba?”H
آخر تحديث : 2026-05-16 اقرأ المزيد