LOGINCHAPTER 124Samantala naman hindi na namalayan pa ni Allaicka na nakatulugan na pala niya ang kanyang pag iyak. Nagising na lamang din siya dahil nararamdaman na niya ang pagkalam ng kanyang tyan kaya naman dahan dahan pa siyang bumangon at napahawak pa nga siya sa kanyang tyan ng maramdaman niya ang muling pagkalam noon.Napatingin naman si Allaicka sa gawi ng kanilang orasan at ganon na lang ang gulat niya dahil alas dose na pala ng madaling araw at bigla niyang naalala na ang huling kain niya ay kanina pang lunch sa kumpanya ng kanyang asawa kaya naman ngayon niya napagtanto kung bakit ganon na lang ang pagkalam ng kanyang tyan.Dahan dahan naman na naglakad si Allaicka papunta sa may pintuan at saka niya hinawakan ang door knob noon at umaasa siya na hindi na iyon nakalock dahil talagang kanina pa siya nagugutom at nauuhaw.Naipikit na lamang talaga ng mariin ni Allaicka ang kanyang mga mata nang pagpihit niya ng door knob ay nakalock pa rin nga iyon. Sobrang hinang hina na rin ka
CHAPTER 123Maya maya pa nga ay nagpasya naman si Benjamin na lumabas na muna ng kanyang opisina. Malalim na rin kasi ang gabi at nakakaramdam na siya ng pagkalam ng tyan.“Vanessa ipaghanda mo nga ako ng makakain ko,” utos ni Benjamin sa kanilang kasambahay ng makita niya ito sa kusina.“O-Opo sir,” sagot naman ni Vanessa at nagmamadali pa nga siya na kumilos dahil ayaw naman niyang mapagalitan ng kanyang amo lalo na at narinig nila kanina na nag aaway ang mag asawa.Matapos na maihain ni Vanessa ang pagkain ng kanyang among lalaki ay aalis na rin sana siya pero bigla ngang nagsalita ito kaya naman napatigil na lang siya sa paghakbang.“Ikaw… Ikaw ang kasama ni Allaicka noon diba? Sabihin mo nga sa akin. May iba pa ba kayong kasama roon maliban sa magkapatid na Jake at Jordan?” tanong ni Benjamin sa kanilang kasambahay ng maalala niya na kasama nga pala ito ni Allaicka noong umalis ito papunta Cebu.“P-Po? W-Wala naman po sir. Kami lamang po na apat ang magkakasama roon,” sagot naman
CHAPTER 122Samantala naman pagkaalis ni Benjamin sa kanilang silid ay agad naman siyang dumiretso sa kanyang opisina na nasa loob lamang din ng kanyang mansyon. “AHHHHHHH!!!!” galit na galit naman na sigaw ni Benjamin pagkapasok niya sa kanyang opisna at saka niya winasiwas ang mga nakapatong sa kanyang lamesa kaya naman nagkalat na ito ngayon sa loob ng kanilang silid.Hingal na hingal pa nga siya habang nanlilisik ang kanyang mga mata dahil sa galit.“Mga hay*p kayo. Wala akong kaalam alam na linoloko mo na pala ako. Pagbabayarean mo ang ginawa mong panloloko sa akin, Allaicka. Binigyan kita ng maayos na buhay pagkatapos ay ganito lang ang igaganti mo sa akin. Pwes… gagawin kong miserable ang buhay mo ngayon,” galit na galit pa na sabi ni Benjamin habang mahigpit na nakakuyom ang kanyang kamao.Kanina kasi sa kanyang kumpanya ay mayroon siyang dinaluhan na meeting at pagkatapos na pagkatapos nga ng meeting niya na iyon ay may iniabot sa kanya ang kanyang sekretarya na isang envelo
CHAPTER 121Matapos naman na sabihin ni Benjamin ang mga salita na iyon ay agad na rin siyang lumabas ng naturang silid at gaya nga ng sinabi niya ay hindi siya makapapayag na umalis ng mansyon ang kanyang asawa kaya naman inilock niya ang pinto ng silid nilang mag asawa.Sa loob naman ng silid na iyon ay naiwan si Allaicka na humahagulhol pa rin ng iyak at nasabunutan na lang din talaga niya ang kanyang sarili dahil sa mga nangyari. Ang buong akala kasi niya ay magiging maayos at tahimik na ang kanyang buhay ngayon matapos niyang makipaghiwalay kay Kenneth at matapos niyang tapusin ang anumang ugnayan nila ni Jake pero nagkamali pala siya dahil mukhang ngayon pa lang magsisimula ang mas malaking problema sa kanyang buhay.“Jusko… bakit naman ngayon pa? Ang akala ko ay ayos na ang lahat pero bakit ganito pa ang nangyari. Handa na akong magbago at bumawi sa asawa ko pero ganito pa ang nangyari ngayon? Mukhang ito na talaga ang katapusan ko,” sabi ni Allaicka at naipikit na lang talaga
CHAPTER 120“Ano pa bang kasinungalingan ang sasabihin mo sa akin? Ano pang pambibilog ang sasabihin mo? Hindi pa ba ito sapat na dahilan para magalit ako ng ganito sa’yo?” sunod sunod pa na tanong ni Benjamin dito at talagang kitang kita mo sa mata nito ang matinding galit na nararamdaman nito ngayon.Lalo namang napahagulhol ng iyak si Allaicka dahil sobrang nasasaktan na siya sa pagkakahawak ni Benjamin sa kanya kaya naman hinawakan na niya ang kamay nito at umaasa siya na bibitawan na siya nito. Ramdam na ramdam na rin kasi talaga niya ang higpit ng pagkakahawak nito sa kanya.“Pakiusap Benjamin… pakinggan mo muna ang paliwanag ko. Please,” pakiusap pa ni Allaicka sa kanyang asawa.Dahil naman sa sobrang galit ni Benjamin ay nag igtingan lalo ang kanyang panga at saka niya pabalyang binitawan si Allaicka.Agad naman na hinawakan ni Allaicka ang kanyang pisngi at ramdam na ramdam na niya ang sakit na nagmula roon kaya naman lalo lamang siyang napahagulhol ng iyak. Sobrang takot na
CHAPTER 119Dahan dahan naman na pumasok si Allaicka sa kanilang silid at nakita niya na nakatayo ang kanyang asawa sa may tabi ng kama. Muli nga siyang napabuntong hininga bago siya dahan dahan na lumapit dito.“M-May problema ba?” kandautal naman na tanong ni Allaicka rito.Humarap naman si Benjamin sa kanyang asawa at walang salita na bigla na lamang lumipad ang palad nito sa pisngi ni Allaicka. Agad naman na natumba sa malamig na sahig sa Allaicka dahil sa lakas ng pagkakasampal sa kanya ni Benjamin.“B-Bakit? A-Anong ginawa ko?” garalgal ang boses na tanong ni Allaicka sa kanyang asawa habang hawak hawak niya ang kanyang pisngi na sinampal ng kanyang asawa.Agad naman na hinagis ni Benjamin kay Allaicka ang kanina pa niya hawak hawak na envelope.Nagtataka naman na tiningnan ni Allaicka ang nasa harapan niya na envelope na iyon.“Tingnan mo ang laman ng envelope na yan at saka mo itanong sa sarili mo kung ano ang ginawa mo?” galit na galit naman na sagot ni Benjamin dito.Dahan d
Maghapon akong nagkulong sa kwarto upang hintayin ang padating ni Mr. Valezarte. Habang nakatulala ako sa balcony ay bigla akong napatingin sa pinto nang magbukas ito.Si Mr. Valezarte!Seryoso niya akong tinignan, maging ang mga pagkaing hindi ko kinain kaninang lunch at tirang meryenda."M-Mr. Va—
Kinaladkad ako ng dalawang bodyguard papasok sa loob ng magarang mansion ni Roman. Gusto kong maliwanagan pa sa sinabi niya ngunit hindi ako hinayaan ng mga tauhan niya."Mr. Valezarte! Ano ba?! Bitiwan niyo nga ak—Mr. Valezarte! Ahh!"Binagsak ako ng dalawang lalaki nang makapasok na ako sa kwarto
I've got an information na madalas sa Crimson Cloud 9 si Roman Valezarte. To have him quick, nag-ayos ako ng sarili para masigurong wala siyang ibang babaeng mapapansin kundi ako lang.Sa pagdating ko sa CC9, hindi ko maipaliwanag ang ganda ng loob nito. Walang hindi bilyonaryo o walang hindi mayama
Isang oras at mahigit na after naming umuwi galing sa gathering. Natutulog na si Rolando, habang ako ay may iniisip na panibagong plano para sa pera.I've searched about Roman Valezarte, and I found out that he's the founder of La Vanta Impresa na naka-base sa Italy. Bilyong dolyares ang naipapasok







