Pagkatapos ng appointment, naglakad kami pabalik sa Premium Suite.Ang pasilyo ay tahimik. Ang distansya namin ay nanatiling eksaktong tatlong hakbang ang layo. Naglalakad siya sa likuran ko, hindi masyadong malapit para maramdaman ko ang hininga niya, ngunit sapat ang lapit para masigurong walang makakalapit sa akin.“The vitamins...” basag niyang panimula, pilit na pinapatatag ang boses niya matapos ang matinding pag-iyak niya kanina. “Whatever vitamins Dra. Cortez prescribed today, they are already paid for. I'll have my men deliver them directly so you won't have to interact with anyone outside.”“Salamat,” tipid kong sagot, nakatingin lang sa nilalakaran ko.Nang malapit na kami sa pinto ng suite, may isang nurse na nagmamadaling naglakad mula sa kabilang direksyon, may bitbit na mga dextrose bags.Muntik na itong bumangga sa akin, ngunit bago pa man ito mangyari, mabilis na humarang si Rhamesis sa pagitan namin.Ginamit niya ang sarili niyang katawan bilang sangga, pero hindi ni
Read more