Kinabukasan. Ang sinag ng araw ay dahan-dahang tumatagos sa malaking bintana ng Premium Suite, nagbibigay ng kaunting init sa malamig kong balat.Kakatapos ko lang pakainin si Mama ng lugaw. Nakangiti siya habang pinapanood akong mag-ayos ng mga gamot niya. Hindi niya alam kung gaano kabigat ang dinadala ko, at mas mabuting ganoon muna.Habang nagliligpit ako, pumasok ang Head Doctor ni Ymilio sa kwarto namin. May hawak itong clipboard at propesyonal na ngumiti sa akin.“Good morning, Ms. Kikay. How is your mother doing?” tanong nito, tinitingnan ang mga monitors ni Mama.“She’s doing great, Doc. Mas may kulay na ang mukha niya ngayon,” malumanay kong sagot.Tumango ang doktor at may isinulat sa clipboard. Nang masigurong natutulog na ulit si Mama, lumingon siya sa akin, ang boses ay bahagyang bumaba, seryoso at may dalang balita.“I thought you’d want to know, Ms. Kikay,” panimula niya, inaayos ang salamin niya. “Mr. Wilton is finally out of the woods. The heavy antibiotics worked. B
Read more