Lumipas pa ang ilang araw. Naging routine na namin ang bagong setup.Araw-araw, pumupunta siya sa ospital. Minsan, may dalang prutas para kay Mama. Minsan, may dalang mga kakatwang craving items na nababasa niya sa internet para sa mga buntis. He was physically present, but emotionally, he was standing perfectly at the boundary line I drew.Hindi siya pumapasok sa kwarto ko. Hindi siya nagtatanong kung nasaan ako kapag lumalabas ako. At higit sa lahat, hindi niya ako hinahawakan nang walang paalam.Isang hapon, habang nag-aayos ako ng mga gamit sa sala, narinig ko ang pamilyar na pagkatok sa pinto.Bumukas iyon at iniluwa si Rhamesis, suot niya ay isang simpleng puting t-shirt, maong na pantalon, at sneakers. Ang buhok niya ay hindi naka-gel nang perpekto at bahagyang nakabagsak sa noo niya.He looked... normal. He looked like the boy I fell in love with five years ago before the billions of pesos built a wall around his heart.“Hi,” bati niya, bahagyang naiilang habang nakatayo sa ma
Read more