Napatigil ako sa kaniyang mga salita. Ang puso ko ay kumirot, hindi dahil sa galit, kundi dahil sa matinding panghihinayang at awa para sa aming dalawa noong mga panahong iyon.“Gabriel…” panimula ko, ang boses ko ay nanginginig ngunit nananatiling mahinahon. “Matagal ko nang kinalimutan ang galit ko sa’yo.”Tumingin siya sa akin, nagtataka. “Bakit? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa’yo? Pagkatapos kong iparamdam sa’yo na wala kang halaga kundi isang kasangkapan lang para iligtas ang ex-wife ko? I threw you away, Loisa. I passed you to Michael like you were nothing! Then I came back… believing I could still have you back. I ruined your peace, so you have all the right to be angry,”Umiling ako nang marahas, ang mga luha ay dahan-dahang pumapatak sa aking mga pisngi, ngunit wala nang poot sa aking puso.“Dahil naintindihan ko na,” malambing kong sagot. “Michael told me already, yung nangyari sa port at yung mga sinabi mo noong pinagtatabuyan mo ko. He already told me everything, you j
Read more