Isang taon matapos isilang si Rose Hope, nakatanggap kami ng hindi inaasahang sulat.Galing ito kay Daddy— Kay Don Roberto.Gusto niyang makita ang kaniyang apo bago siya tuluyang magretiro sa company.“Kristoff, kailangan natin ‘tong gawin,” sabi ko habang pinapanood namin si Rose na naglalaro sa damuhan ng aming hardin sa Switzerland, lumipat kami rito matapos ang rehab ni Kristoff.“I still don’t know how to face him… after everything I have done, after not telling him the truth na hindi niya ako tunay na anak,” sagot ni Kristoff, seryosong nakatitig sa akin.“Ikaw ang lumaki sa puder niya Kristoff, dapat alam mo, at mas nakikilala mo siya bilang isang ama. Hindi ka man niya tunay na anak, alam natin pareho na gano’n ang turing niya sa’yo… he’s always watching at you from behind kahit pa alam niyang hindi kana niya tunay na anak… alam mo yun,” pampalakas-loob ko.Gano’n nga ang nangyari, sa isang pambihirang araw, bigla kaming nagkasama sa iisang hapag. Ako, si Kristoff, and aking
Read More