Hindi ko alam kung paano nagiging napakatahimik ng isang araw na dapat ay puno ng musika, tawanan, at mga taong nagmamadaling mag-ayos ng damit.Maaga akong nagising sa guest suite. Hindi dahil sa kaba, kundi dahil hindi talaga ako nakatulog nang maayos. Sa bawat pagsara ko ng mga mata ko, nakikita ko ang mukha ni Ethan sa study, ang mga papeles sa mesa, at ang pangalan kong nakasulat sa marriage arrangement.Lyranette Castillo.Ethan Vance.The bride and the groom.Dati, gusto kong makilala ang groom ko para masiguro kong mapapanagot siya sa nangyari sa akin. Ngayon, ikakasal ako sa kaniya habang nagpapanggap na wala akong alam sa mga araw na magkasama kami bilang multo.Kung may award sa pinakamagulong romantic situation, siguradong panalo ako.“Miss Lyranette, ready na po ang breakfast,” sabi ni Mrs. Santos sa labas ng pinto.“Salamat po. Bababa na ako.”Sa salamin, inayos ko ang buhok ko at pinilit ngumiti. Hindi ako mukhang bride na excited. Mukha akong taong papasok sa isang boa
Read more