Dumating si Mrs. Celeste sa bahay namin noong Linggo, may dalang tinapay na galing sa paborito niyang bakery at isang maliit na paso ng rosemary na, ayon sa kaniya, ay “kailangan ng mas maayos na pamilya.”“Hindi ko alam kung paano nagiging mas maayos ang pamilya sa pamamagitan ng halamang gamot,” sabi ko habang tinatanggap ang paso.“Kapag may rosemary sa kusina, mas madalas kang magluluto.”“Kapag mas madalas akong magluto, mas madalas akong magsusunog ng pagkain.”“Then Ethan will learn to cook.”“Ma, marunong akong magluto,” sabi ni Ethan mula sa sala.Mrs. Celeste raised an eyebrow. “Toast is not a meal.”“Depends on how many slices.”Natawa ako habang inilalagay ang rosemary sa windowsill. Ang bahay ay hindi na kasing tahimik ng mga unang buwan pagkatapos gumising ni Ethan. May mga gamit na nakakalat sa tamang paraan, mga libro sa coffee table, at isang kumot na palaging nakasabit sa armchair dahil doon madalas maupo si Ethan kapag sumasakit ang balikat niya.Nagkape kami sa ter
อ่านเพิ่มเติม