Hindi ko alam kung ilang beses akong pinakiusapang umupo nang maayos.Sa unang oras, ang nurse ang nagsabi. Sa pangalawa, ang doktor. Sa pangatlo, si Gregor, na nakatayo sa tapat ng ICU na para bang kaya niyang bantayan pati ang paghinga ko kung iyon ang kailangan.Pero tuwing sinusubukan kong umalis sa tabi ni Ethan, sumasagi sa isip ko ang huling pagkakataong nakita ko siyang nakatayo. Nakakunot ang noo, nakataas ang isang kamay para pigilan akong lumapit kay Aldeguer, ang boses na malamig sa kabila ng takot na hindi niya kayang itago.“Lyra, stay behind me.”Iyon ang huling malinaw na utos na narinig ko mula sa kaniya bago ang tunog ng putok, ang pagbangga ng katawan niya sa akin, at ang mundo na biglang naging puti.Ngayon, hindi ko alam kung paano ko siya uutusan na bumalik.“Ma’am,” maingat na sabi ng nurse, “kailangan po ninyong magpahinga kahit sandali. Hindi makakatulong kung kayo naman ang babagsak.”Hindi ko inalis ang tingin ko sa kama. “Hindi ako babagsak.”“Lyra,” sabi n
Read more