Anim na buwan mula nang magising si Ethan, natutunan naming huwag gawing milestone ang bawat bagay.May mga araw na naglalakad siya nang walang tungkod sa loob ng bahay, at may mga araw na ginagamit niya ito kapag mahaba ang distansiya. May mga umagang kaya niyang magtrabaho nang ilang oras, at may mga hapon na kailangan niyang humiga dahil sumasakit ang ulo niya. Ang doktor ay patuloy na nagsusubaybay sa kaniyang progress, at natutunan naming hindi linear ang recovery. Hindi iyon tuwid na hagdan kung saan bawat araw ay mas madali kaysa kahapon.Ang pinagkaiba, hindi na niya itinuturing na kabiguan ang pag-atras ng isang hakbang.Noong nakaraang linggo, kinansela niya ang isang meeting dahil sumakit ang ulo niya. Dati, baka tumawag siya sa office at ipagpilitan na ituloy ang agenda sa video call. Ngayon, sinabi niya sa team na kailangan niyang magpahinga, at ang COO ang humawak sa meeting.Nang sabihin niya iyon sa akin, halos gusto kong magpa-fireworks.“I'm proud of you,” sabi ko.“
อ่านเพิ่มเติม