Hindi namin pinagplanuhan ang ikalawang gabi.Iyon ang pinakanagustuhan ko.Late na kami nag-almusal, naglakad sa tabing-dagat, at halos ubusin ang kalahati ng hapon sa pagpili ng souvenir mula sa isang maliit na tindahan na nagbebenta ng shells, woven bags, at ceramic pieces na hugis-isda. Simpleng mug ang gusto ni Ethan. Ako naman, may napili akong maliit na ceramic turtle na mukhang pinagsisisihan ang bawat desisyong nagawa nito sa buhay.“It's judging me,” sabi ko.“It has your expression.”“I do not look like that.”“You do when someone asks you to be patient.”Ibinalik ko muna sa shelf ang turtle, saka ko rin kinuha ulit. Pinanood lang ako ni Ethan na para bang matagal na niyang tinanggap na hindi mahuhulaan ang takbo ng buhay niya.“We're buying the turtle,” sabi niya. “Before we spend the rest of our vacation arguing with a ceramic animal.”“Good choice.”Habang nanananghalian kami, tinanong niya kung gusto kong gumawa ng something special para sa gabing iyon. Pumayag ako bast
Read more