“Kneel properly, Agatha.”Napatigil ang paghinga ko.“Wipe the Senator's shoes. Use your own uniform.”Ang malamig, baritono, at walang-awang boses na iyon mula kay Ryu ay tila isang dambuhalang martilyong marahas na dudurog sa huling piraso ng aking pagkatao.Isang mabilis na tibok ng puso ang yumanig sa aking dibdib—napakalakas, napakabigat, na parang nais nitong kawalasin ang aking mga tadyang.Ang buong dining hall ay nalubog sa isang nakakabinging katahimikan.Walang nagsasalita. Ang tanging naririnig ko lamang ay ang marahang pagtunog ng mga yelo sa loob ng mga mamahaling baso ng alak at ang malalalim, mapanuring paghinga ng mga makapangyarihang bilyonaryo sa paligid.Napayuko ako.Nanginginig ang buong katawan ko, hindi dahil sa lamig ng aircon ng bulwagan, kundi dahil sa nagbabagang galit, pait, at nakakapapasong kahihiyan na unti-unting lumalamon sa aking sistema.Ang aking mga tuhod na kanina pa nakasakab sa sahig ay mas lalong nanghina.Dahan-dahan, sa harap ng mga taong mi
Read more