“We're done too, Mr. Houston.”Ang mga salitang iyon ay umalingawngaw sa gitna ng dambuhalang grand ballroom, kasing-lamig at kasing-talim ng isang patalim na direktang tumarak sa dibdib ng bilyonaryo.Naguluhan si Ryu. Bahagyang umawang ang kaniyang mga labi. Ang kaniyang madidilim, singkit, at nanlilisik na mga mata na kanina ay nag-uumapaw sa init at debosyon, ngayon ay biglang nabasag. Bumakas ang isang hindi maitagong sakit at matinding pagkalito sa kaniyang malamig na mukha.Isang mabilis na tibok ng puso na puno ng takot ang marahas na yumanig sa matipunong dibdib ng kinatatakutang CEO.“Agatha... what are you talking about?” baritonong tanong ni Ryu, ang kaniyang boses ay nanginginig sa isang emosyong ngayon lang narinig ng buong mundo mula sa kaniya. Humakbang siya pasulong, pilit na inaabot muli ang kamay ng dalaga. “I’ll make them rot in jail. It’s over—”“Don’t touch me!” marahas at nanggagalaiting sigaw ni Agatha, mabilis na humakbang paatras upang iwasan ang malaking pal
Read more