Si Ryu… he’s here.Nakasuot lamang siya ng isang simpleng itim na button-down shirt na nakabukas ang unang tatlong butones, at madilim na slacks.Ngunit ang nakapagpatigil sa pag-ikot ng mundo ko ay ang kaniyang mga mata.Ang mga matang noon ay malamig, mapagmataas, at punong-puno ng kalkulasyon ay ngayon ay namumula, pagod na pagod, ngunit nag-aapoy sa isang matindi at desperadong pag-asa.Sa gilid niya, nakatayo si Mother Superior Elena. Ang matandang madre ay tahimik na nakahawak sa brass doorknob.Ang kaniyang maaliwalas na mukha ay puno ng pag-unawa. Tiningnan niya ako mula sa malayo, ang kaniyang mga mata ay tila nagpapahiwatig ng mga salitang sinabi niya sa akin kahapon ‘Hindi kasalanan ang magmahal, anak. At mas lalong hindi kasalanan ang patawarin ang lalaking naging kasangkapan para maibalik ang katarungang ninakaw sa'yo.’Tipid na ngumiti si Mother Superior, isang ngiting nagbibigay ng basbas.Dahan-dahan, lumabas siya ng kapilya at tahimik na isinara ang mabigat na pinto,
Read more