مشاركة

Chapter 47

مؤلف: PILOSOPOTASYO
last update تاريخ النشر: 2026-05-16 22:16:30

Gabi na, ngunit walang ibang laman ang isip ni Nimfa kundi ang sinabi ni Benjie sa kaniya kanina. Hindi pa rin siya makapaniwala na sina Zachary pala ang nagdala sa kaniya sa ospital. Buong akala niya’y si Bryes, hindi pala.

Habang malalim ang iniisip, bigla na lamang may kumatok sa pinto ng kaniyang silid. Napabuntong-hininga siya bago tuluyang nilapitan ang pinto. Pagkabukas niya, bumungad ang Tres Marias ni Zachary—ang tatlong kasambahay nito na sina Maria, Isabel, at Carmela.

“Handa na po a
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 52

    “Mamá, bakit niyo po sinampal si Zachary?” gulat na tanong ni Nimfa sa biyenan.“Dahil siya ang may rason kung bakit ka nandito, Nimfa!” galit na sagot nito habang nanlilisik ang mga mata kay Zachary. “You! Kayang-kaya kitang ipakulong kung gugustuhin ko. Bakit kailangan mo pang bumalik sa buhay nina Marcus at Nimfa? Sinisira mo lang sila!” asik pa nito.Imbes na matakot, natawa pa si Zachary. “Seryoso po ba kayo sa sinasabi niyo? Baka gusto niyong malaman na—”Hindi na natapos ni Zachary ang ibang sasabihin nang kuwelyuhan ito ni Marcus. “Stop making stories, you dīck! My mom’s right—why do you need to come back when, in fact, we’re living happily as a married couple?” singhal nito.“Living happily? Sino'ng niloloko mo, Marcus? Bakit hindi mo na lang sabihin sa ina mo ang totoo? Natatakot ka? Duwag!”“Fvck you!” sigaw ni Marcus bago inundayan ito ng suntok.Ngunit hindi pa man lumalapat ang kamao nito sa mukha ni Zachary, bigla itong pinigilan ng ina. “Stop, Marcus. ‘Wag mong babaan

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 51

    Bago pa man tuluyang malapitan ni Marcus si Zachary, mabilis siyang humarang sa daan nito. Napahinto si Marcus, hindi makapaniwalang tiningnan siya.“Move, Nimfa!” maawtaridad na utos ni Marcus sa kaniya.Walang katakot-takot, umiling si Nimfa. “Para sa'n pa, Marcus? Para saktan mo si Zachary? Ano ba'ng ginawa niya sa ‘yo para sugurin mo siya?”“‘Wag kang makialam dito, Nimfa. Away namin ‘to ng lalaking ‘yan. Nakakalimutan ko na ba? He hurt Claire!” At nanlilisik na tiningnan ni Marcus si Zachary na nasa likuran niya.Pero mayamaya pa, narinig niya ang tila nang-aasar na tawa ni Zachary. “Makinig ka sa kaniya, Nimfa. Hayaan mong sugurin niya ‘ko,” walang pangambang sambit nito bago tumabi sa kaniya. “Sige na, Marcus, sugurin mo na ‘ko. Gusto mong magsakitan tayo? Payag ako!” dagdag pa nito na sunod-sunod na ikinailing ni Nimfa.Ngumisi si Marcus bago tiningnan mula ulo hanggang paa si Zachary. “What kind of suit is that, āsshõle? Let me guess, sa ukay mo nabili, right?” Humalakhak si

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 50

    “N-Nawala po? P-Pa'no po nawala?” naiiling na tanong ni Nimfa.“She…” Huminto ito bago natatawang yumuko, nang mag-angat ito ng mukha sa kaniya, hilam na ang mga mata nito. “Mahabang kuwento, Nimfa. Gustuhin ko mang sabihin sa ‘yo ng detalyado, p-pero hindi ko kaya. Nasasaktan pa rin ako…”“Hindi po kayo nag-iisa rito. Kasama niyo po ‘ko. At isasama ko po siya sa dasal ko. Kung nasa'n man siya ngayon, nawa'y ligtas siya.”Nakangiti itong tumango. “Sana nga. Alam mo, kung kasama ko lang siya, kaedad mo na sana siya. Meron sana akong Nimfa sa buhay ko,” anito, bakas sa mukha ang matinding lungkot.Nahabag siya kaya tumayo siya sa kinauupuan bago umikot sa puwesto nito. Umupo siya sa tabi nito bago ito patagilid na niyakap.“‘Wag na po kayong malungkot, ninang. Kasama po natin ang Diyos, hindi po niya tayo pababayaan.”“Thank you, Nimfa,” tugon nito sa kaniya bago siya niyakap pabalik.Nanatili silang magkayakap, hanggang sa hindi nagtagal, dumating na ang pagkain nila. Saktong dumating

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 49

    “Perfecto!” masayang sambit ni Dom, ang baklang makeup artist, matapos bigyan ng final touch ang kaniyang ayos.Wala sa sariling napangiti si Nimfa nang makita ang sariling repleksyon sa salamin. Sa galing ni Dom mag-makeup, halos hindi na niya makilala ang sarili niya. Isama pa ang buhok niya na ito rin ang nag-ayos sa kaniya.Matagal na nilang kilala ni Marcus si Dom. Sa tuwing may mahahalaga silang lakad, ito lagi ang tinatawagan ni Marcus. Sa katunayan, ito rin ang nag-ayos sa kaniya nang ikasal sila ni Marcus tatlong taon na ang nakalipas.“Ako ba ‘to, Dom?” natatawang tanong ni Nimfa rito.“Oo naman, Ma'am Nimfa. Palagi mo na lang ‘yan tinatanong sa ‘kin, oo, ikaw ‘yan. At kahit wala kang makeup, maganda ka na rin, kaya hindi na katakataka kung bakit nahulog si Sir. Marcus sa ‘yo…” sambit nito na ikinailing niya.“Ikaw talaga! Pero salamat, ah, tinakluban mo ng makeup ang stressed kong mukha. Ang dami kasing nangyari, ikaw lang pala magpapaganda sa ‘kin.”“Naku, Ma'am Nimfa, mak

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 48

    Kanina pa walang tigil sa pag-ring ang cellphone ni Nimfa na nakapatong sa nightstand, ngunit hindi pa rin niya iyon magawang sagutin.Nakatitig lamang siya roon, tila wala sa sarili habang sinusubukang unawain na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos maisip na may nangyari sa kanilang dalawa ni Zachary.Nakahiga siya sa kama, balot ng kumot ang hubad na katawan, habang si Zachary ay nasa tabi niya. Hindi nagtagal, naramdaman niyang gumalaw ito bago siya biglang niyakap.“Hindi mo ba sasagutin ‘yong cellphone mo?” inaantok nitong tanong habang nakasiksik ang mukha sa batok niya.Pero hindi siya umimik. Nanatili siyang tahimik habang nakatuon pa rin ang mga mata sa cellphone niya. “Okay ka lang, Nimfa?” Pag-aalala nito kapagkuwan.Bumuntong-hininga siya bago ito sinagot. “Bakit natin ‘to ginawa, Zachary?” Sandaling walang tugon si Zachary bago niya naramdamang umangat ang katawan nito. Nang harapin niya ito, nakaupo na ito sa kama habang seryosong nakatingin sa kaniya.“A-Ano ba

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 47

    Gabi na, ngunit walang ibang laman ang isip ni Nimfa kundi ang sinabi ni Benjie sa kaniya kanina. Hindi pa rin siya makapaniwala na sina Zachary pala ang nagdala sa kaniya sa ospital. Buong akala niya’y si Bryes, hindi pala.Habang malalim ang iniisip, bigla na lamang may kumatok sa pinto ng kaniyang silid. Napabuntong-hininga siya bago tuluyang nilapitan ang pinto. Pagkabukas niya, bumungad ang Tres Marias ni Zachary—ang tatlong kasambahay nito na sina Maria, Isabel, at Carmela.“Handa na po ang hapunan, Ma'am Nimfa,” wika ni Maria habang malapad ang ngiti sa mga labi.“Masustansya po ang mga hinanda namin para sa ‘yo, Ma'am Nimfa. Sinabi po kasi ni Sir. Zachary sa ‘min na buntis ka,” magalang namang sambit ni Isabel.Hindi mapigilang matawa ni Nimfa. “Kayo naman, nag-popo pa kayo, eh halos magka-edad lang naman tayo. At saka ‘wag niyo na ‘kong tawaging ma'am, hindi niyo naman ako amo, eh,” aniya.“Pasensya na, Ma'am Nimfa, hindi lang po kami sanay na hindi ginagalang ang mga bisita

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status