Namutla nang husto si Jade. Hindi niya inasahan na sasabihin iyon ni August sa harap ng maraming tao. Ang pinakamalala sa lahat ay ang malisya sa likod ng mga salita nito—hindi hobby o interes ang tinutukoy nito kundi ang katawan niya. "Side interest ko lang ang pagpa-part-time bilang waitress. Hindi ako naghihirap," sabi ni Jade na may pilit na ngiti. Kahit nagpapanggap lang siya ay kailangan niya itong gawin para makahanap ng tyansang makatakas. Kahit gustong-gusto na niyang magalit ay pinigilan niya ang sarili. Ang galit ay hahantong lang sa gulo, at sa sitwasyon niya ngayon na wala siyang pangalan o back-up ay kailangan niyang umiwas sa kahit anong conflict. Isa pa ay subordinate siya ni Zhenna. Dahil wala sa duty si Zhenna ngayon ay ayaw niyang gawan ito ng problema. Gusto lang niyang maayos ito nang tahimik. "Jade, huwag ka nang magsinungaling. Magkakasama tayo sa iisang circle. Isang tanong lang sa paligid at malalaman na agad kung gaano kahirap ang sitwasyon mo." Mayaban
Terakhir Diperbarui : 2026-04-29 Baca selengkapnya