MasukNANG manumbalik sa normal ang pakiramdam ni Clara ay saka niya binuksan ang pinto ng banyo sabay silip sa labas. Wala na sa kwarto si Ethan, tuluyan na itong nakaalis kaya sinamantala niya ang pagkakataon at nagmadaling bumalik sa silid ni Ysabelle.Ni-lock niya ang pinto at pagkatapos ay sumampa sa kama. Binalot niya ang sarili sa kumot habang iniisip ang narinig kanina. Biglang sumagi sa isip niya ang nangyaring insidente sa kulungan kung saan ay namatay ang mga tao na bumugbog dito."Don't tell me... may kinalaman siya ro'n? P-Pinapatay niya ba ang mga ito at sinadyang pagmukhaing aksidente lang ang nangyari?" Natatakot siya at kinikilabutan sa naiisip. Hinala niya lang iyon ngunit paano kung totoo nga?Mas higit niyang dapat layuan si Ethan, mapanganib itong tao.Gumalaw bigla ang doorknob, napatingin siya roon ng may takot. Hanggang sa may kumakatok na kaya nagsalita na siya, "S-Sino 'yan?""It's me," boses ni Ysabelle kaya dali-dali niyang binuksan ang pinto."Ba't ka nag-lock?
PASADO alas-siyete na nang makakain sila. Sa hapagkainan ay tahimik lang sila, tanging si Nathan lang, na kapag nasasarapan sa kinakain ay gumagawa ng kung anong ingay.Si Clara na ini-enjoy ang pagkain ay napapatingin sa magkabila niyang tabi. Ewan niya ba kung bakit siya napunta sa gitna nina Mina at Ethan. Gusto nga niyang lumipat pero nasa kabilang bahagi naman ang dalawang biyenan at si Ysabelle na katabi si Nathan.Kaya nawalan na siya ng option na pumili ng mauupuan. Kanina, habang nasa loob silang dalawa ni Helena sa kwarto ay napapaisip siya kung ano na kayang nangyayari sa labas.Ano-ano ang napag-usapan ng mga ito kaya ganoon na lang kinalabasan, halata naman na galit pa rin pero pinili na lamang manahimik."Kumain ka pa," anas ni Ethan saka nilagyan ng karne ang plato ni Clara. "Kaunti lang ang kinain mo."Napatingin si Clara sa kabilang bahagi ng table. Tatlong tao ang nakatingin sa kanya ng sandaling iyon, maging si Mina sa kaliwa niya ay napasulyap. Kita niya iyon sa gi
KITANG-KITA ni Clara na may gumuhit na inis sa mga mata ni Ethan kahit pa nakangiti ito. Walang duda na nasaktan niya ang ego nito pero wala na siyang pakialam doon at pinagpatuloy na lamang ang ginagawa.Sunod na lang niyang narinig ay ang yabag ng paa nitong papaalis. Nag-angat lang siya ng tingin nang matiyak na wala na ito saka siya tuluyang nakahinga nang maluwag.Nang matapos magluto ay nagsalok siya sa mangkok at dinala sa kwarto para makakain ang biyenan."Nagkita na ba kayo ni Ethan?" tanong ni Helena."Kanina po.""Ang sabi ay babalik siya, pero hindi naman. Ano na naman kaya ang ginagawa niya ngayon? Tsk, tsk," dismayadong untag ni Helena at pagkatapos ay kumain na. Unang tikim ay napangiti at malambing na tiningnan ang manugang.Naging magana ang pagkain ni Helena habang nakangiting pinagmamasdan ni Clara. Ilang sandali pa ay napatingin siya sa bintana... pansin ang paglubog ng araw.Nang tingnan ang oras sa suot na relo ay napatayo siya. "Kailangan ko na po palang umalis,
MAAGANG nagpaalam si Clara kay Flora at sa iba pang kasamahan sa canteen ng araw na iyon. Wala naman naging problema kaya pagkatapos ng tanghalian, mga pasado ala-una ay umuwi siya para mag-ayos.At habang nagbibihis ay dumating ang sundo niya, si Janice nga nakabantay sa labas habang nakahalukipkip—mapaghinala ang tingin sa sasakyan na nasa tapat ng gate."Anong ginagawa mo riyan, ang init-init," aniya sa kaibigan."Binabantayan ko lang."Natawa si Clara, sabay himas sa likod ng kaibigan. "Ang driver lang naman 'yan, wala si Ethan kaya relax ka lang.""Kahit na, malay mo may kung inutos ang amo niyan… what if, sumama na lang kayo ako?"Napangiti si Clara. "You don't have to worry, si Mommy lang naman ang pakay ko ro'n… after naman ay uuwi agad ako." Pagkatapos ay niyakap na niya ito bilang paalam saka sumakay sa kotse. "Tara na po, Kuya, at baka maipit pa tayo sa traffic.""Ingat," ani Janice habang kumakaway.Ganoon din ang ginawa niya habang umaandar paalis ang sasakyan. Sa kalagit
PAGKAPARADA ng sasakyan ay bumaba ang driver at dumiretso sa likod para kunin ang wheelchair. Inayos ito at nilapag sa tabi ng pinto ng kotse saka pinagbuksan ang amo.Kahit nagagawa nang makatayo at makalakad nang paunti-unti ni Ethan ay naka-depende pa rin siya sa wheelchair dahil iyon ang payo ng doctor sa kanya para mapadali ang kanyang paggaling.Inalalayan siya ng driver na makalipat sa wheelchair at pagkatapos ay marahan ng tinulak papasok sa bahay ng magulang.Naroon siya para bisitahin ang mga ito at mag-iisang linggo na niyang hindi nakikita ang ina. Huling balita niya ay masama ang pakiramdam nito noong isang gabi.May sumalubong na katulong para bumati na tinanguan lang niya. "Si Mommy ba, gising?""Yes po, Sir."Pagdating sa hagdan ay doon na tumayo si Ethan, maingat at dahan-dahan—nakaalalay pa rin ang driver. "No, kayo ko na 'to," aniya sabay bawi ng braso na hawak nito. Pagkatapos ay saka siya dahan-dahan na umakyat pataas. "Diyan lang kayo, 'wag niyo 'kong susundan."
MATAGAL na tinitigan ni Clara ang paper bags, hindi niya talaga balak kunin pero nagmamatigas si Ethan. Tila ba, hinihintay nito na kusa siyang sumuko.Mabuti na lamang at sumunod ang kaibigan. "Clara, ba't ang tagal mo?" tanong ni Janice, sabay dungaw sa labas.Nang makita kung sino ang naroon ay biglang nag-iba ang mood. "Ano na naman ang ginagawa mo rito?" Pagkakita ng paper bags ay hinila ang kaibigan. "'Wag mong kukunin, baka kung anong isumbat sa'yo." Hinila niya palayo si Clara saka binalingan ng masamang tingin si Ethan. "'Pag 'di ka tumigil, ipapabaranggay ulit kita." Matapos ay pumasok nna sila sa loob at pabagsak na pinagsarhan ng gate si Ethan. "Ang kulit talaga niyang ex mo," reklamo pa rin ni Janice."Kailangan ko na sigurong umalis para wala na siyang napupurwisyo."Napatingin si Janice. "Ano ka ba, 'di naman kita sinisisi. Mas inis ako sa tao na 'yun na ayaw kang tigilan… 'di mo naman siguro pina-stop 'yung annulment tama?"Tumango si Clara. "Nag-usap kami ni Ate Ysabe
MALUTONG na sampal ang dumapo sa mukha ni Mina, sa labis na pagkabigla ay nablangko ang utak niya sa nangyari. Hindi makapaniwalang tiningnan ang biyenan na babae. "M-Mommy…"Lahat ay nagulat sa ginawa ni Helena, unang beses na masaksihan nilang nagbuhat ito ng kamay kahit pa napaka-strict nitong t
HINAWAKAN ni Ethan ang mukha ni Clara sabay punas sa basang pisngi. "'Wag ka nang umiyak, gagawa ako ng paraan para maibalik ito sa dati."Hindi pa rin matigil sa pag-iyak si Clara kahit ilang minuto na silang naroon. Maya't maya niyang sinusubukang pagdikitin sa dati ang nagkapira-pirasong litrato
NGUMITI ng makahulugan si Mina at hinawakan ang kamay ni Clara. "Kailangan pa bang malaman kung sino 'yun? Sobrang tagal na no'n saka, sure naman akong nakalimutan na niya 'yung babae.""Pero gusto ko pa rin malaman—""Mommy!"Sabay silang napalingon ng marinig ang boses ni Nathan, ang apat na taon
ALAS-NUEBE na ng mga sandaling iyon. Nasa kama na si Clara ng sandaling iyon, may hawak na libro kunwari ay nagbabasa kahit ang totoo ay hinihintay lang niyang tumabi ang asawa.Kanina pa ito sa harap ng laptop, nagtatrabaho. Nang saglit itong tumigil para hilutin ang noo matapos alisin ang eyeglas







