MasukMATAPOS makapagpahinga ay bumangon sa kama si Clara, hinanap sa paligid ang nagkalat na damit habang mahigpit na hawak ang kumot na siyang tumatakip sa hubad niyang katawan."Where are you going?" tanong ni Alaric sabay bangon, kinuha ang isang unan para itakip sa pribadong parte ng katawan."My clothes, 'di ko mahanap."Tumayo si Alaric, sabay hila sa braso nito para ibalik sa kama saka niya niyakap nang patagilid. "Later in the morning mo na lang hanapin, matulog na tayo at anong oras na."Nagpumiglas si Clara, hindi siya komportable dahil ang malagkit sila ng sandaling iyon dahil sa pawis. "Sinabi mo na 'yan kanina," may halong inis niyang sabi dahil kaunting pahinga lang ay humihirit ulit ito.Parang nakalima na nga ata sila sa gabing iyon, pagod na pagod na siya pero sige pa rin ang binata."Ang init, Alaric," reklamo niya, pilit kumakawala sa yakap nito. Ilang sandali pa ay binitawan naman siya at umusog palayo. Pagkatapos ay sinamantala niya ang pagkakataon at muling bumangon.
HINILA ni Clara ang damit ni Alaric upang sunggaban ito ng halik sa labi. Naramdaman niyang natawa ang binata pero wala na siyang pakialam, malakas ang loob niya ng mga sandaling iyon.Bahagyang umungol si Alaric nang kagatin nito ang ibaba niyang labi, nabibigla siya sa ginagawa ni Clara. Malakas ang loob nito nang mga sandaling iyon at naguguluhan siya kung dapat niya ba iyong ikatuwa o ikabahala?Masiyado silang agresibo sa isa't isa, walang kontrol at ayaw magdahan-dahan.Hindi ganoon ang gusto niyang maalala ni Clara sa 'unang beses' nila.Kaya pinigilan niya ang kamay nitong kulang na lang ay punitin ang damit niya. "Calm down first," aniya habang hinihingal, saka pinagdikit ang noo nilang dalawa. "We need to take it slow, hmm?"Napakunot-noo si Clara, hindi man sang-ayon ay tumango siya. Aminadong medyo agresibo nga siya ng mga sandaling iyon, tila uhaw na uhaw. "Okay."Pareho silang huminga nang malalim at nang magmulat ay muling nagtagpo ang mga mata. Puno ng emosyon at pagna
PANAKA-NAKA ang tingin ni Alaric kay Clara, tuluyan na itong nakatulog dahil sa kalasingan. Makalipas ang ilang minuto ay narating na nila ang condominium building.Diniretso lang niya ang kotse sa ground floor at matapos maiparada ang sasakyan ay binuhat na niya si Clara, na tinangka niya pang gisingin pero tulog na tulog.Habang nasa elevator ay may nakasabay sila, tila mag-asawa dahil magkahawak kamay at parehong may suot na singsing.Ang babae ay napatitig sa kanila ni Clara kaya tumango siya bilang response. Pagkatapos ay binulungan ng babae ang kasama, "Ang sweet nila, 'di mo na 'ko binuhat ng ganyan. Last pa no'ng honeymoon natin."Lumingon ang lalake at pinagmasdan din sila saka sinagot ang asawa. "Mukha kasing magaan 'yung babae."Hampas sa balikat ang natamo nito mula sa babae. "Sinasabi mo bang mataba ako?!""Hindi 'yun gano'n," saad ng lalake sabay yakap bilang panunuyo.Nagpumiglas ang babae hanggang sa bumukas ang elevator saka lumabas. Kakamot-kamot sa ulo na sumunod an
HINDI maitago ni Clara ang tuwa sa mukha, palinga-linga siya sa paligid. Pinagmamasdan ang lugar dahil sa dami niyang napuntahan ay tila iyon ang pinakaunang beses niyang mararanasang kumain sa high-end restaurant na sila lang ang customer.Bagama't masaya ay inaalala niya ang halagang ginastos ni Alaric. "Sobrang mahal siguro rito? Ano bang pwede kong bayaran? Kahit isang dish lang." Nahihiya siyang magpalibre.Ngumiti lang si Alaric, pero sa halip na sabihing huwag na itong mag-abala. Sa ugali pa lang ni Clara, tiyak na mahihiya ito at mag-aabot pa rin ng bayad. "'Yung appetizer na lang," aniya, kahit nabayaran naman na niya lahat-lahat.Nakangiting tumango si Clara, sabay kuha sa phone. "Pwede naman sigurong mag-selfie rito, tama?" Dumukwang pa siya sabay bulong, "Ang ganda kasi ng lugar.""Yes."Tila bumalik sa pagkabata si Clara na tuwang-tuwa sa kahit maliliit na bagay. Tumayo siya sa kinauupuan at pumwesto sa isang magandang display. Hindi pa siya nakontento at makailang ulit s
NAPANGITI si Alaric sabay lingon sa convertible car na gamit nila. Mabuti na lang talaga at iyon ang gusto niyang gamitin nila sa gabing iyon."I'll go with you," ani Clara saka bumaba sa sasakyan. Naglakad sila patungo sa kotse kung saan naghihintay ang assistant nito.Tumango si Dennis sabay lahad ng kamay para maibigay ang susi ng kotse."Ihatid mo na lang pabalik at ako nang bahala kay Clara," utos ni Alaric."Yes, Sir." Matapos ay naglakad na si Dennis palayo.Nang ang dalawa na lamang ang naiwan ay pinagbuksan ng binata si Clara ng pinto ng sasakyan. Pagkatapos makasakay ay umikot si Alaric patungo sa driver seat.Pagkatapos na makapag-seatbelt ay nagkatinginan ang dalawa at parehong nangiti sa isa't isa. Binuhay ni Alaric ang makina ng sasakyan saka nagmaneho paalis sa lugar.Sa mga naunang minuto ay nagmaneho lang ang binata. Lihim na nag-iisip kung saan niya muna dadalhin si Clara bago puntahan ang pina-book niyang high-end restaurant, twenty minutes away lang ang layo mula s
DAHIL pasikot-sikot ang daan ay nagtanong-tanong pa si Clara sa mga nakakasalubong na naka-uniporme gaya ng staff and crew sa loob at makalipas ang ilang minuto ay nakalabas na siya.Naramdaman niya ang lamig ng simoy ng hangin saka siya napangiti at nakahinga nang maluwag. She felt out place sa lugar at ngayon ay malaya na siya, iyon nga lang ay nakakapanghinayang ang effort nilang dalawa ni Janice.Napabuntong-hininga siya, napapaisip kung saan kaya siya posibleng pumunta? Ayaw niyang umuwi nang maaga at paniguradong tatanungin siya ng kaibigan. Ang ending manggagalaiti lang ito sa galit kapag kinuwento niyang pinaalis siya ni Ethan.Bago tuluyang umalis ay nilingon niya pa ang entrance ng building, iniisip na malulungkot si Helen at Ysabelle kapag nalaman na umalis siya.Padadalhan niya na lamang ng mensahe ang hipag mamaya at baka bigla siyang habulin at pabalikin sa loob kapag nabasa nito agad ang text message niya.Naglakad na siya patungo sa kotse nang mapansin sa gilid ng mata
HINAWAKAN ni Ethan ang mukha ni Clara sabay punas sa basang pisngi. "'Wag ka nang umiyak, gagawa ako ng paraan para maibalik ito sa dati."Hindi pa rin matigil sa pag-iyak si Clara kahit ilang minuto na silang naroon. Maya't maya niyang sinusubukang pagdikitin sa dati ang nagkapira-pirasong litrato
MALUTONG na sampal ang dumapo sa mukha ni Mina, sa labis na pagkabigla ay nablangko ang utak niya sa nangyari. Hindi makapaniwalang tiningnan ang biyenan na babae. "M-Mommy…"Lahat ay nagulat sa ginawa ni Helena, unang beses na masaksihan nilang nagbuhat ito ng kamay kahit pa napaka-strict nitong t
NGUMITI ng makahulugan si Mina at hinawakan ang kamay ni Clara. "Kailangan pa bang malaman kung sino 'yun? Sobrang tagal na no'n saka, sure naman akong nakalimutan na niya 'yung babae.""Pero gusto ko pa rin malaman—""Mommy!"Sabay silang napalingon ng marinig ang boses ni Nathan, ang apat na taon
ALAS-NUEBE na ng mga sandaling iyon. Nasa kama na si Clara ng sandaling iyon, may hawak na libro kunwari ay nagbabasa kahit ang totoo ay hinihintay lang niyang tumabi ang asawa.Kanina pa ito sa harap ng laptop, nagtatrabaho. Nang saglit itong tumigil para hilutin ang noo matapos alisin ang eyeglas







